Part 16

335 7 0
                                    

Hindi ko na natiis at pinuntahan ko siya sa apartment niya. Kakatok sana ako pero bukas yung pinto kaya pumasok na lang ako. Ang dilim naman dito, ano 'to nagtitipid sa ilaw? Nasaan siya? Baka naman natulog na lang siya. Hala baka mamaya hinimatay na yun ah. Pero nagulat ako nung nakita ko siyang nakaupo sa sulok dun sa may kusina niya. Para siyang batang umiiyak na kausap ang sarili niya.

"Ang sakit talaga ng tiyan ko. Bakit kasi hindi ako pinadalhan ni Mama ng pagkain ko ngayon? Alam naman niyang wala akong alam lutuin. Naubos pa supplies ko dahil hindi pa ako nakakapag-grocery ulit."sabi niya tapos narinig kong tumunog yung tiyan niya. Kawawang bata.

"Ang drama mo. Tumayo ka nga dyan."sabi ko sa kanya. Halatang nagulat siya kaya pinakita ko sa kanya yung dala kong lalagyan ng pagkain.

"Hala dumating ka!"sigaw niya tapos nagulat ako kasi tuwang-tuwa siya. Kulang na lang tumalon siya eh tapos nagulat ako kasi bigla niya 'kong niyakap. Luh. Wala na ata sa katinuan 'to. Masama pala 'tong ginugutom.

Pero bakit ako biglang kinabahan sa pagkakayakap niya? Bakit parang bigla akong pinawisan? O baka nagulat lang talaga ako sa kanya. Bumitaw na rin siya sa 'kin. Para siyang bata talaga. Susko Ma, anak pala sinet-up niyo sa 'kin hindi asawa.

"Tara kumain na tayo."sabi niya habang inaayos niya yung pagkain.

"Tapos na 'ko eh. Ikaw na lang."

"Samahan mo na 'ko. Para sure akong wala 'tong lason o gayuma."

"Iba ka rin eh 'no? Pinagluto na nga kita naisip mo pang lalasunin kita?"

"Aba malay ko ba. Buti na yung sure."

"Ah ganon. Akin na nga yan!"sabi ko tapos kukunin ko na sana pero hinampas niya yung kamay ko. Aba.

"Nangangagat ako pag gutom. Baka sa sobrang gutom ko pati ikaw kainin ko."sabi niya.

"Ang kalat mo Agnes. Susko."sagot ko sa kanya.

Pero dahil wala rin naman akong gagawin, umupo na lang din ako sa harap niya at pinanuod ko siyang kumain. Para talaga siyang bata. Pero not in the madungis kind of way, para lang siyang overly delighted sa kinakain niya.

Paano naman magpapakasal 'to kung ganyang hindi siya marunong magluto? May alam man lang kaya siyang gawaing bahay? O baka kaya siya hinahanapan ng asawa ni Tita Cy kasi nga wala siyang alam? Aba baka ako gagawa lahat nun. Lugi naman ako dun. Teka, hindi nga pala kami ikakasal. Ano ba 'tong iniisip ko?

"Agnes, may tanong ako."

"Hm?"sabi niya habang pilit niyang nilulunok yung kinakain niya.

"Bakit hindi ka nag-disagree nung araw na sinabi nilang ikakasal tayo? Bakit parang okay lang sa'yo?"

"Walang okay sa 'kin dun."sabi niya. "But I know that arguing with them is pointless. Sabi nga ni Tito, 2 years ago pa nila yun naplano. There are other ways of getting what we want. And that night wasn't exactly the best timing for that."dagdag niya.

"Kung si Raisa ba yung sinet-up nila sa'yo would you agree?"tanong ko.

"Bakit naman nasama si Raisa sa usapan na 'to?"tanong niya.

"Wala lang. Eh kasi siya yung girlfriend mo eh. So probably mas naimagine mo na yun with her than sa akin."

"I didn't imagine it with Raisa. The same way I can't imagine it with you."sabi niya.

"Kaya ka iniwan ni Raisa eh."sagot ko.

"Uy. Foul."sabi niya.

"Sorry."

I wonder kung bakit nga sila naghiwalay ni Raisa. Or baka totoo nga yung sinabi ko kaya sabi niya foul. I looked at Agnes at napansin ko na medyo maputla siya.

"Huy okay ka lang? Maputla ka."

"Yes. I guess sa gutom lang kasi."sagot niya.

Pinanuod ko lang siya kumain. Natatawa ako kasi ang takaw niya. Pero ang payat din naman niya. Saan niya kaya nilalagay yung kinakain niya? Or siguro nga sobrang gutom niya na talaga kaya ang dami niyang kinain. Kukuha sana ako ng tubig nung nagkasabay naming nahawakan yung handle, kaya nagmamadali kong inalis yung kamay ko.

"Mga para-paraan mo ah."sabi niya.

"Mukha mo. Pahingi nga."sabi ko sa kanya tapos nilagyan naman niya ako ng tubig.

"Agnes, sorry talaga. Nawala sa isip ko na bilhan ka ng pagkain."

"Okay lang, pinagluto mo naman ako."sabi niya.

"Pat, may tanong ako."

"Ano?"

"Do you like Charlie?"

"Ano ba namang tanong yan?"

"Yes or no lang eh. Ang damot mo naman."sabi niya. Natawa tuloy ako.

"Siguro?"

"Tanga ka talaga kausap eh 'no? Yes or no nga lang, sagot mo siguro."sabi ni Agnes.

"Ah ganon? Akin na yan!"sabi ko sabay hinablot ko yung ulam pero natawa rin ako sa sinabi niya.

"Hoy akin na! Chars lang. Sige na. Oo, hindi, pwede, siguro, baka, bahala ka na kung anong gusto mo."sabi niya tapos kinuha niya na ulit yung pagkain.

"Bwisit ka talaga eh."

"Paano kayo nagmeet?"sabi niya.

"Hmm magkakilala na kami since college. Sobrang close nga namin kahit na hindi naman kami magkaklase. Siguro kasi dahil lagi ko siyang kasabay pumapasok sa school at umuuwi kasi nga magkapitbahay lang kami. Tapos ewan ko. Sa kanya ko nga 'ata nalamang hindi ako straight."

"Wow. Gender bender."sabi ni Agnes.

"Sira."sabi ko. "Pero ayun, for some reason, we just drifted apart. Biglang hindi na lang siya nagparamdam, hindi na kami nag-uusap. Then bago kami makagraduate ng college, we reconnected and who knew that we ended up working under the same company. Though accountancy kasi natapos niya kaya sa accounting department siya naka-assign."dagdag ko.

"Sorry, pero, anong nagustuhan mo sa kanya? I mean, may itsura siya, but... I find her to be... uptight."sabi ni Agnes.

"Hoy grabe ka maka-judge. Charlie is sweet, caring, smart, and quiet. Ewan ko. But her personality is something I really admire."sabi ko sa kanya.

"Have you tried looking into her eyes?"tanong niya.

"Hmm... oo? Pero noon pa yun. College pa. Di ako makatagal eh. Alam mo yung umiikot sikmura mo? Tapos basta para akong nanghihina."sabi ko sa kanya.

"Alam mo, I think hindi pa siya yung taong para sa'yo."

"Bakit naman?"

"Kasi sabi nila, kapag siya na yun, you won't feel uneasy. Kasi kung siya na talaga yung para sa'yo, there's this sense of familiarity. Mahirap i-explain eh."sabi niya.

"Nakita mo ba yun kay Raisa?"tanong ko sa kanya. Nagulat ako na umiling siya.

"I guess kaya nga kami naghiwalay. Hindi pa siya."sabi niya then she gave me a strained smile tapos uminom lang ulit siya ng tubig.

"Pero alam mo Pat, ito real talk ah. Tingin ko hindi kayo bagay. I think she's too uptight for you. I think you deserve a better partner kesa kay Charlie."dagdag niya.

"Grabe ka naman. At sino naman ang tingin mong better partner para sa 'kin? Sige nga Ms. Matchmaker, kanino mo naman tingin ako dapat mag-end up?"

"Kanino pa ba?..."

"...eh di sa 'kin."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon