Hindi ko talaga alam anong nangyari sa 'kin nung breaktime kaya nagpakabusy na lang ako. Nasa work station ko ako nung bigla na lang may lumapag na paper plane sa mesa ko. At dahil sigurado naman akong walang ibang gagawa nito kundi si Agnes hindi ko na lang pinansin. Maya maya may isa pang lumapag at meron nanamang isa pa.
Tiningnan ko lang siya ng masama at tinuturo niya yung mga eroplano. Paano naman ako makakatapos ng trabaho kung ganito siya? Ugh. Nakakaasar talaga siya.
"Nagsasayang ka ng papel."sabi ko sa kanya.
"Buksan mo kasi."sabi niya.
"Titigil ka na ba?"
"Buksan mo muna."sabi niya kaya binuksan ko yung pinadala niya.
Pat,
Uto-uto ka talaga.
Agnes
Kinrumple ko yung papel at binato ko sa kanya. Kahit kelan talaga. Kailangan ko talaga ng sobrang daming pasensya kasi susko para akong may kasamang bata. Nakita ko na may lumapag nanaman na paper plane sa harap ko.
"Isa! Hindi ka titigil?"sabi ko sa kanya.
"Buksan mo."
"Eh di ikaw magbukas!"sagot ko tapos hinagis ko ulit sa kanya yung papel.
Maya maya nagpalipad nanaman siya ng paper plane. Hindi ba siya busy?
"Ano ba Agnes!"sabi ko sa kanya.
"Buksan mo."sagot niya.
Kinuha ko na yung papel at kunot-noo kong binuksan. Napakaligalig naman kasi nitong si Agnes. Kung anu-ano nanaman ang naisipan. Pagbukas ko ng papel...
Smile ka naman dyan wifey. Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot.
Pagkabasa ko nun, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko rin napigilang mapangiti. Napatingin ako kay Agnes at kumindat lang siya.
Hay Patricia. Uto-uto ka nga.