Ilang araw pa kaming nag-stay sa LA pero ngayon, finally makakauwi na rin kami. Hindi ko alam kung bakit pero excited na ako. I messaged Agnes before we departed na pauwi na kami ng Pilipinas kasi baka sabihin niya sa 'kin na hindi nanaman ako nag-update.
Pagdating namin sa airport dito sa Pilipinas, sobrang sakit ng ulo ko. Feeling ko may jetlag ako. And hindi nakakatulong na ang tagal bago lumabas ng maleta namin. Ang sakit talaga ng ulo ko. At mukhang ginagawa yung Terminal 2 kaya siksikan yung mga tao at ang haba ng pila papuntang immigration. Mga ilang oras din kaming pumila, and to make things worse, ang tagal din lumabas ng mga maleta namin.
Kaya pagdating sa bahay, halos bagsak talaga yung katawan ko. Uminom lang akong gamot at humiga na rin ako sa sofa. Ewan ko ba, wala rin ata akong energy na umakyat ng kwarto. Nakahiga ako sa sofa nung narinig ko na may nagdoorbell. Ang aga naman ng bisita na 'to.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako na nandun si Agnes kaya lumabas din ako.
"Anong ginagawa mo dito?"sabi ko sa kanya habang nakita kong ngiting-ngiti siya.
"Welcome home. I brought you this."sabi niya tapos may dala siyang milk tea. Napangiti ako.
"Sabi mo kasi you're craving for this eh."dagdag niya. Typical Agnes.
"Paano mo nalamang nakauwi na ako?"
"Tanga ka ba? Di ba minessage mo ako?"
"Sabi ko nga."
"Well, hindi mo ba ako namiss wifey?"sabi niya then she pouted and she opened her arms.
Yayakap na sana ako kay Agnes nung biglang tumunog yung doorbell. Doorbell? Paano tutunog yung doorbell eh nandito ako sa labas?
Nung narinig kong tumunog ulit yung doorbell bigla akong nagulat and when I opened my eyes, nakita ko na nakahiga parin ako sa sofa pero bukas na yung mga ilaw. How long have I been asleep? Tumunog nanaman yung doorbell.
"Manang, pwede mo ba icheck kung sino yung nasa pinto?"sabi ni Mama.
"Ako na lang Manang. I think I know who that is."sabi ko sa kanya at bumangon na rin ako. Pagbukas ko ng pinto...
Andun si Charlie.