Part 114

400 5 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin kay Agnes yung kay Charlie. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya.

"May sasabihin ako sa'yo--"

"May sasabihin ako sa'yo--"

"Ah sige mauna ka na."sabi ko sa kanya.

"I've given what you said much thought."

"Alin?"

"About yung sa 'min ni Raisa."

"Ah."sabi ko.

"I realized na tama ka. Maybe I should give it another shot. Sayang naman talaga yung sa 'ming dalawa. Hindi naman ganon kadali itapon ang isang long term relationship di ba? Or ewan ko. I guess, I'll figure out if I'm certain di ba? Kaya ayun. I've decided to talk to her tonight. I've decided to tell her na maybe we should give ourselves another chance. Maybe I deserve that."

Hindi ko alam kung bakit pero parang mabigat ang pakiramdam ko. Like I've run into a brick wall. Like all the air is being sucked out.

"Ah... ano... good for you. Sana nga magwork out."

"I'll let her know the truth about us and what we're planning to do."

"Ah. Oo. I think you should."sabi ko.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?"tanong niya.

"Ah.. ano... Charlie told me she likes me, finally."sabi ko.

"Talaga? Well okay yan. I'm happy for you."sabi niya tapos ngumiti siya. I tried to smile pero I don't think it came out to be convincing.

"You don't seem happy about it."sabi ni Agnes. "Dahil ba sa 'kin?"tanong niya.

I wanted to tell her na ang kapal ng mukha niya. O na ang feeler niya, na ang yabang niya, but I can't get myself to say it.

"You don't need to worry about me, I promise I won't get in the way. Matagal mo rin yang inantay and I think you should let Charlie know the truth."sabi niya. Tumango lang ako.

"Anyway, aalis na ako."sabi niya. "Wish me luck."dagdag niya tapos umalis na rin siya.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong pigilan si Agnes. Gusto kong sabihin sa kanya na wag na lang umalis. Dito na lang kaming dalawa.

"Agnes."

She stopped tapos lumingon siya sa 'kin.

"Before you go."

"Yeah?"

"Mahal mo pa ba si Raisa?"

"I guess I'll find out. Bye Pat."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon