Part 23

315 6 0
                                    

Pag-gising ko nagulat ako na gising na rin si Agnes. Pero may kausap siya sa phone kaya hindi ko na muna siya ginulo habang nasa balcony siya. Pagpunta ko sa kusina, nakita ko na nakapagready na siya ng kape para sa 'ming dalawa pero walang pagkain. Hindi nga pala marunong magluto 'to. Buti na lang pala nag-grocery sila Mama kahapon. Pumasok na rin si Agnes nung narinig niyang nagluluto na ako. Sumandal siya sa may lababo at pinanuod ako.

"O why?"sabi ko.

"Wala lang. Ganito pala yung feeling na pinagluluto ka ng asawa mo 'no?"sabi niya.

"Anong feeling?"

"Nakakagutom. Dalian mo. Matagal pa ba yan?"sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Pinagluluto ka na nga eh, may reklamo ka pa. Ikaw magluto dito."

"Sabi ko nga quiet lang ako."sabi niya. "Pero try mo yung ginawa kong coffee for you."

"Ayoko."

"Bakit?"

"Baka may gayuma yan."sagot ko.

"As if naman kailangan ko pa lagyan ng gayuma yan para magustuhan mo ako."sabi niya tapos ngumiti siya. Bwisit talaga to si Agnes. "Arte mo. Inumin mo na yan. Lalamig yan."sabi niya.

Kumain lang kaming dalawa and infairness naman nga, masarap din talaga yung coffee na tinimpla niya. Nag-ayos lang din kaming dalawa at medyo umiinit nanaman ulo ko kasi napakabagal ni Agnes kumilos. Pero buti na lang at on-time pa rin naman kaming nakarating ng office. Pagdating namin, dumerecho na agad kaming dalawa sa studio para i-fine tune yung project namin.

Nung breaktime, hinahanap namin si Jam at si Agnes at nagulat kami na andun silang dalawa sa sulok at seryoso silang dalawa. Paglapit ko, nakita ko na naglalaro pala sila ng chess.

"You play chess pala?"sabi ko kay Agnes.

"Yes."sabi niya tapos tumira na siya. Natawa ako kasi sobrang seryoso talaga ng mukha nilang dalawa.

"Alam niyo, cute talaga kayo together."sabi ko. Tiningnan lang ako ng masama ni Jam tapos tumira na rin siya.

"Hindi kayo kakain?"tanong ni Alex.

"Shh."sabi nilang dalawa. Grabeng seryoso naman nitong dalawang 'to.

"Malaki bang pustahan nyan? Seryoso niyong dalawa eh."

"Oo."sabi ni Agnes.

"Talaga? Anek?"

"Kung sino mananalo, siya yung pwedeng pumili kung saang work station siya uupo."sabi ni Jam. Natawa ako. Akala ko naman kung anong pinagtatalunan nila eh pareho namang okay yung workstation.

"Bakit anong problema niyo sa work station?"tanong ko.

"Gusto ko kasi yung nasa right kasi malamig dun at malayo sa bintana, nasisilaw kasi ako."sabi ni Jam.

"Eh ikaw?"tanong ko kay Agnes.

"Yun din. Maganda yung view dun eh."sabi niya.

"Paano naging maganda view dun eh yung kabila yung may bintana?"sabi ni Jam.

"Basta maganda yung view dun. Check."sabi ni Agnes habang seryoso siyang nakatingin dun sa chessboard.

"Para kayong mga bata. Sige bahala na kayo dyan."sabi ko tapos inaya ko na sila Nicole kumain. Dahil tinatamad kaming lumabas, nagpadeliver na lang kami ng lunch at kumain sa pantry. Maya maya narinig naming sumigaw yung dalawa. Tapos sumulpot sila dun sa pantry.

"O ano? Tapos na kayo?"sabi ko.

"Yes wifey."

"Sino nanalo?"

"Syempre ako. Di naman mananalo sa 'kin 'tong si Jamantha."sabi niya.

"Kahit kelan ang yabang."sabi ko. "O. Kumain na kayo."

"Mamaya na ako kakain."sabi ni Agnes.

"Bakit?"

"Makita lang kita busog na 'ko."

"Ah ganon? O sige pangatawanan mo yan."sabi ko sa kanya.

"Uh.. Pat, pwede ba tayo magusap saglit?"sabi niya. Tumango ako tapos lumabas na kami ng pantry.

"What's up?"

"Magpapaalam sana ako eh."

"About?"

"Okay lang ba na magleave ako tomorrow? May kailangan kasi yung kapatid ko and I need to go to Fairview."sabi niya.

"Ah oo naman. Akala ko naman kung ano na. Sure."

"Okay thanks."sabi niya tapos nung pabalik na ako ng pantry bigla niya akong tinawag.

"Wifey."

"What?"

"Don't miss me."sabi niya sabay kumindat siya.

"Lumayas ka na nga. Gutom lang yan."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon