Part 44

325 6 0
                                    

After ng EP launch, nag-aya sila Poch na magdinner. Grabe yung energy namin kanina, pero ngayon ramdam ko na talaga yung pagod. I think nasense din ni Agnes na napagod ako kaya nagvolunteer siya na siya na lang ang magdrive papunta dun sa restaurant.

"Grabe guys. Sobrang salamat talaga sa inyo. Sa uulitin ha."sabi ni Migs.

"Congrats din sa EP niyo."sabi ni Agnes.

Habang kumakain kami, napansin ko na nakangiti sa 'min si Andrew.

"Bakit?"sabi ko sa kanya.

"Bagay kayong dalawa."sabi ni Andrew sa 'ming dalawa ni Agnes. Nakita ko na ngumiti lang si Agnes sa kanya.

"Wait, wait. I have a question."sabi ni Paolo.

"Yes?"

"Kayo ba?"

"Hindi."

"Oo."

Nagkatinginan kaming dalawa. Bakit siya sumagot ng oo?

"Nako. Mukhang may umaasa."sabi ni Miguel tapos natawa na lang din si Jam. Ano nanaman ba kasing naisip nitong si Agnes?

"Nang-aasar lang yan si Agnes. Kumain na nga tayo."sabi ko. Inantay ko lang si Agnes na magsalita pa ulit pero wala naman na siyang sinabi.

After ng dinner, bumyahe na rin kami ni Agnes. Sa totoo lang super pagod na rin ako kaya si Agnes na yung nagdrive nung sasakyan. Habang nasa byahe kami nagulat ako na hinawakan ni Agnes yung batok ko and she lightly pressed and massaged it. Parang sa sobrang pagod ko, kailangan ko nga ng masahe.

"Tired?"tanong niya sa 'kin. Tumango lang ako. Somehow nakakaalis ng pagod yung ginagawang slight masahe ni Agnes sa batok ko.

"Sleep ka na wifey. I'll wake you up once we are in the condo na."sabi niya pero umiling ako. Nakakahiya namang tulugan siya samantalang siya na nga nagvolunteer magdrive.

"No na. I'm okay."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang si Agnes.

"Agnes."

"Hm?"

"Bakit mo sinabing oo kanina?" She shrugged.

"Di ko rin alam eh. This whole setup is confusing me."sabi niya.

"Bakit naman? Talaga namang hindi naman tayo ah."

"Yeah, but somehow I think tayo hindi ba?"

"Why? Eh hindi nga natin madefine right now kung ano tayo eh."sabi ko.

Sa totoo lang, magulo naman talaga. We're both unsure how to go about this whole situation. And if we are to act as if we are together since we are technically engaged or not since hindi naman kami together talaga.

"Well I can."sabi ni Agnes.

"You can what?"

"Define what we are."

"Sige, what are we?"

"In denial."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon