Nanlaki yung mga mata ko and I felt myself blush. Kahit si Agnes namumula and kita mo sa mukha niya na nagulat din siya. I don't know how to break the awkwardness between us kaya we were both just staring at each other. Pero nagulat ako nung biglang dinilaan ni Max yung mukha ni Agnes so I laughed, and somehow medyo nadiffuse yung tension between us. Sakto lang din pumasok si Bea at nakita niya kaming tatlo na nasa bath tub.
"Kaya naman pala ang tagal niyo. Kanina pa kayo tinatawag ni Mommy para kumain."sabi ni Bea.
"Help us out. Kanina pa rin kami hindi makaalis."sabi ko sa kanya kaya tinulungan niya akong umalis tapos itinayo namin si Agnes.
"We'll just change then susunod na kami."sabi ko kay Bea habang kinukuha niya si Max para tuyuan.
Pinahiram ko lang ng damit si Agnes and we went down. Napangiti ako nung napansin kong ang iksi sa kanya ng shorts ko. Kumain lang kami ng lunch tapos umalis na rin kami ni Agnes papunta sa grocery. After namin sa grocery, bumalik na rin kami sa bahay at nanuod na lang sa sala. Nagready lang din si Manang ng meryenda naming dalawa.
"Aji."
"Hm?"
"Ano... available ka ba next weekend?"
"Why?"
"Well, nag-aaya kasi yung friends ko from high school na pumunta ng Pangasinan. And they're wondering if pwede kang sumama?" Biglang kumunot yung noo ni Agnes.
"Wait, how did they know about me?"
"Uh... ano... si Nicole. Kasama kasi si Nicole."
"Akala ko kasi sinabi mong girlfriend mo na ako eh."
Bigla akong nasamid sa sinabi ni Agnes. Hindi ko masabi sa kanya na yun naman din talaga yung alam nila.
"Masama ba?"tanong ko.
"For them to know na we're together?"sabi niya. Tumango ako.
"No. But doesn't that somehow, makes it official?"sabi niya.
"Eh bakit kasi hindi pa natin gawing official?"