Part 134

377 7 0
                                    

Nagpaalam na rin kami ni Agnes kela Papa para dun sa meeting namin kasama sila Migs. Pagdating namin, andun na sila Keifer at inaantay na lang namin sila Pao. Lumapit lang kami sa kanila tapos bumeso rin ako at ganon din ginawa ni Agnes.

"Wala pa sila?"tanong ko.

"Traffic daw."sabi ni Andrew.

At dahil gutom na kami, tinext namin sila Pao na i-order na lang namin sila. Nag-agree naman sila at nagsabi na lang din ng food. Nagkukwentuhan kami nung may papalapit na babae sa table namin.

Akala ko ako lang yung nakapansin na sa 'min siya papalapit pero napalingon din sila sa kanya. Naramdaman kong tumayo si Agnes at lumapit sa kanya. Nakangiti sa kanya si ate at napansin ko na kay Agnes pala siya nakatingin habang naglalakad siya. Sinalubong siya ni Agnes at biglang bumeso siya kay Agnes.

Sino nanaman 'to? Susko Reoma, ilang babae pa ba ang bigla na lang susulpot sa buhay mo?

"Sino yun?"sabi ni Jam sa 'kin. I shrugged.

"Malay."

"Pretty."sabi ni Jam.

"So?"tanong ko sabay taas ng kilay.

"Hoy. General comment yun Patricia Mae. I'm not even implying anything. Masyado ka namang selosa."

"Wala akong sinasabi Jamantha. Ikaw 'tong nag-iisip eh."

Napatingin ako kay Agnes at sa kasama niya. Nakangiti din siya and kita mong masaya silang nag-uusap. Sino nanaman ba kasi 'to?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon