Part 158

378 9 1
                                    

Hindi ko inexpect na ganon karami yung manonood sa gig namin pero puno yung venue. Hindi ko inexpect dahil malapit na mag-Pasko but I guess some people are spending Christmas here in Baguio kaya dumayo na rin sila dito para manuod.

Habang tumutugtog kami, hinanap ko sila Nicole at nakita ko na andun sila sa may right side ko. Natatawa ako kasi para silang proud parents dun sa gilid ko. Parang mga stage mothers na sinesenyasan ako na ngumiti at na ayusin ang damit ko pati buhok ko. Habang ginagawa namin yung soundcheck bigla na lang may sumigaw kaya napatingin ako.

"WE LOVE YOU AGNES!!"

Hinanap ko kung sino yung sumisigaw pero hindi ko nakita. Hinahanap din ata ni Agnes at nung mukhang nakita niya na, kumaway siya at nginitian sila. Pa-fall talaga 'tong si Reoma. Natawa ako kasi sila Nicole sinenyasan ako na wag daw akong papatalo. Napa-iling na lang ako.

Maya maya nagsimula na rin kaming tumugtog. Nakakamiss din talaga tumugtog. Parang ang tagal na simula nung huling gig namin. People were singing with us and nakakatuwa. Hindi ko akalain na ganito karaming tao ang nakakaalam ng mga kanta namin but it felt nice.

Nung kinakanta na namin yung Bibingka, sumenyas si Miguel sa crowd na itaas yung mga kamay nila at gayahin yung gagawin niya. Napangiti ako when I realized na sumasabay din sa kanila si Agnes gamit yung bass niya. Ang taas din talaga ng energy ni Agnes kapag tumutugtog.

At dahil kailangan na nga namin lahat bumalik ng Manila, maiksi lang din yung set namin. Lumapit na kami sa gitna tapos nag-bow lang kami. Pagbalik namin sa backstage, nagligpit lang kami ng mga gamit namin at nagready na rin kami para umalis.

"Merry Christmas guys!"sabi ni Pao tapos niyakap niya kami isa-isa. We did our round of hugs with each one of us and nung yumakap na si Agnes sa 'kin bigla silang tumahimik.

"O bakit?"sabi ko sa kanila kasi nakangiti nanaman silang lahat. "Kayo, masyado kayo. Bawal ko bang yakapin si Agnes?"

"We're not saying anything na nga eh. But Merry Christmas love birds. We'll see you both after the New Year."sabi ni Poch.

Habang nagsasakay na sila ng mga gamit namin sa van, dun nagsink-in sa 'kin na babalik na ako ng Laguna at maiiwan na rin si Agnes dito sa Baguio. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Di ko naiintindihan bakit bigla akong naging clingy sa kanya. Nagpaalam na kami sa Bens habang sumasakay sila sa van habang nagpaiwan naman si Andrew kasi dito siya sa Baguio magcecelebrate ng Pasko. Nagvolunteer naman si Agnes na ihatid ako sa hotel para makapagcheckout na rin ako.

Pagdating sa hotel, inayos lang namin nila Nicole yung mga gamit namin tapos bumaba na kami para magcheckout. Chineck namin yung traffic at sakto naman na before 10 pm makakarating na kami ng Manila. Kaya sakto lang din na aabot naman ako ng 11 sa Laguna. Pagdating sa lobby, nakita ko na nag-aantay pa rin si Agnes sa 'min. Tinulungan niya lang din sila Dawn na isakay yung mga maleta namin dun sa sasakyan.

"Well, ingat ka. Ay."sabi ko sa kanya tapos inabot ko yung malaking eco bag kay Agnes.

"Para sa mga kapatid mo. Sorry. Yung regalo ko sa'yo pagbalik na lang natin."sabi ko sa kanya.

"It's okay wifey. You didn't have to get me anything."sabi niya habang kinukuha niya yung eco bag.

We just stood there awkwardly kasi hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. Hindi naman kasi kami talaga sanay sa mga formal na paalam. Usually kakaway lang kami sa isa't isa or would just get down from each other's car.

"Well, sige na. Merry Christmas Aji."sabi ko sa kanya.

"Merry Christmas wifey."sabi niya.

Pasakay na sana ako ng sasakyan nung bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Pat."

"Hm?"

"Would you like to spend Christmas with me?"

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon