Part 83

391 8 0
                                    

Paglabas ko ng kwarto nung umaga, nakita ko na gising na rin si Agnes. Andun lang siya sa balcony at nakatingin sa labas. Hindi ko pa rin alam kung paano siya kakausapin. Aalis pa naman kami ngayon, kasi nag-aya yung band na pumunta ng Catanduanes para daw makapagbonding din kami as a band and for a music festival. Hindi ko alam kung natulog ba si Agnes o hindi. Kasi sa totoo lang kahit ako, hindi ako nakatulog. Pero napansin ko na nagluto siya ng breakfast at meron ding nakaprepare na kape.

Lalapit na sana ako sa kanya nung pumasok siya galing sa balcony at nag-ayos ng gamit niya.

"Kumain ka na and magready. Dadating na sila in an hour."sabi ni Agnes without looking at me. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang mag-apologize sa kanya. Or kung para saan ba talaga yung ihihingi ko ng sorry.

Kumain na lang ako at nag-ayos na rin. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Siguro naman when we're with the band already, medyo aayos na yung mood niya. Nag-ayos na rin ako and pagtapos kong mag-ayos, nakita ko na nakabihis na rin si Agnes at nakasuot na siya ng headset. Mukhang wala talaga siyang planong makipagusap sa 'kin. Pagsakay namin ng van, hindi rin siya tumabi sa 'kin at hindi rin niya binati yung mga kasama namin. But I guess they just dismissed it, kasi alam naman nilang hindi morning person si Agnes.

"Anong problema ni wifey?"sabi sa 'kin ni Jam. Lumingon ako kay Agnes at nakita ko na tulog siya.

"Ayun, galit."

"Malamang. Bakit hindi mo kasi sinabi sa kanya na si Charlie ang kasama mo?"

"Eh kasi... hindi ko alam. Pag nalaman niya kasing si Charlie ang kasama ko, malamang hindi siya papayag na siya na makipagmeet dun sa client."

"Alam mo Pat, gusto kitang pagalitan but I don't even know where to start. Hindi mo sa 'kin sinabi yang plano mo kasi kahit ikaw sa sarili mo alam mong magagalit din ako sa'yo. Dapat kasi naging honest ka na lang. Hay nako Pat. O paano tayo mamaya nyan kung magkaaway kayo?"

"Hindi ko nga rin alam Jam. Tulungan mo kaya ako."

"Susko ka Patricia Mae! Jusko ka talaga. Gagawa-gawa ka ng kasalanan tapos tiklop ka rin naman. You should talk. I think yun na yung best that you can do."

Pagdating namin sa resort, sinigurado ni Jam na kami ni Agnes ang magkasama sa kwarto. Alam kong umiiwas pa rin si Agnes kaya tahimik lang siyang pumasok sa kwarto pero this time inalis na niya yung headset niya.

"Wifey."sabi ko sa kanya. Pero hindi niya pa rin ako pinansin. Naisip ko na baka pag tinawag ko siya ng ganon magbago na yung mood niya. Tinuloy lang niya yung pag-aayos ng gamit niya.

"Agnes."sabi ko.

"What?"

"Can we talk please?"sabi ko sa kanya.

"What is there to talk about Pat?"

"Bakit hindi wifey?"sabi ko sa kanya then I pouted.

"Wag mo 'kong daanin sa ganyan."sagot niya.

"Okay, sige. Sorry. Hindi na. But really Agnes. Sorry. Hindi ako dapat nagsinungaling sa'yo. Dapat sinabi ko na lang sa'yo yung totoo na si Charlie yung kasama ko. And sorry na pinasa ko sa'yo yung trabaho ko."

"You still don't get it, do you?"sabi niya. Nakatingin siya sa 'kin pero parang lagpasan naman yung tingin niya.

"Ang alin?"

"Hindi naman ako nagagalit Pat. And it's not about work or you lying to me kung sino ang kasama mo."sabi niya.

"Eh ayun naman pala eh, eh bakit ka ganya--"

"Nagseselos ako."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon