I was taken aback sa nabasa ko at inisip ko na baka hilo lang ako. Kaya tiningnan kong maigi yung nakasulat. I swear wala yun sa choices kanina. Lalong napasigaw sila Paolo nung nakita nila yung lumabas.
"Ang ganda namang game ender nito!"sabi ni Pao.
"Gago Migs! Bakit may ganyan ka sa choices?!"sabi ko sa kanya. Lalong uminit yung pakiramdam ko. But imagine the horror also kung dun sa may mga girlfriend mapatapat to.
"Patty, relax. Wala namang nakalagay kung saan. Pwede namang sa cheeks or sa kamay. Grabe ka naman. Porket kiss iba na agad naisip mo."sabi ni Migs.
"Leshe ka, ako pa masama."sabi ko sa kanya.
"Hoy. Dali na. Tama na kwento aba. G na."sabi ni Jam na tawang-tawa. Nakita ko na inubos ni Agnes yung iniinom niyang beer.
"Game."sabi ni Agnes tapos tumayo siya. Pero habang tumatayo siya napansin ko na mukhang nahihilo na rin siya kasi hindi na derecho yung lakad niya palapit sa 'kin.
"Teka lang kinikilig ako."sabi ni Paolo.
"Game na wifey. Nahihilo na ako."sabi ni Agnes. Lalong lumaki yung mata ko sa sinabi ni Agnes.
"Reoma!"
"Ano daw? Wifey?"sabi ni Andrew.
"Ay di niyo ba alam? Ikakasal silang dalawa."sabi ni Toni.
"Talaga? Nasaan yung singsing?"
"Mahabang kwento pa yan. Sa byahe na lang pauwi."sabi ni Toni. "Pero hoy, game na. Para tapos na."dagdag niya.
Wala naman ngang sinabi kung saan, kaya inabot ko kay Agnes yung kamay ko para dun na lang siya kumiss. Pero imbis na i-kiss niya yung kamay ko hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako patayo.
Now that I'm looking at Agnes nakita ko na mapungay na yung mga mata niya. Napahawak ako sa mga balikat ni Agnes as I tried to steady myself. Shit. Hilo na talaga ako. I am wobbly and kahit si Agnes hindi rin steady kaya feeling ko any moment matutumba kaming dalawa. Bakit niya ba kasi ako itinayo?Pero feeling ko mas lalo akong nahilo nung napatitig ako sa mga mata ni Agnes. I can see the moon's reflection sa salamin niya and even yung reflection nung bonfire namin. Parang lalong uminit at naririnig ko yung alon. I tried to calm myself kaya napa-inhale ako and I managed to smell the alcohol and her perfume. Gahd. How can she still smell so nice?
Nakita ko na nakangiti lang din sa 'kin si Agnes. Have you ever been enchanted by a smile? Ganon yung pakiramdam ko whenever I see Agnes smiling. There's this pull to just look at her. Namumula na si Agnes at sobrang mapungay na yung mga mata niya. Nahihilo na talaga ako.
"Hoy Reoma! Hindi ko sinabing itayo mo ako. Dapat kasi sa kamay mo na lang ako kini--"
I suddenly held my breath when Agnes came too close and I felt her nose brush mine. And without warning, bigla na lang akong hinalikan ni Agnes sa noo.