"What?"tanong ko kay Agnes.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Agnes. I mean, I would understand na galit siya for me lying, pero yung sinabi niyang nagseselos siya, I don't get where she's coming from.
"Alam mo maganda ka sana bingi ka lang talaga eh."sagot niya.
"Ulitin mo yung sinabi mo." She sighed.
"For what, Pat?"sagot niya.
"Ulitin mo yung sinabi mo."sabi ko sa kanya.
"I... nag... nevermind. Naguguluhan din ako Pat. Just forget about what I said."sabi niya sabay lumabas na siya ng kwarto.
Kung kanina nalilito ako kung bakit siya naiinis, mas nalito 'ata ako ngayon na sinabi niyang nagseselos siya. Saan siya nagseselos? Na lumabas ako kasama si Charlie o nagseselos siya kay Charlie? O pareho? Alam naman niyang lumabas ako dati kasama si Charlie pero hindi naman siya nagreact this way.
And I know we agreed to tell each other and that we can date other people, kaya all this time, iniisip ko na yun lang naman talaga ang ikakainis niya. Well, that, and the fact na dinagdagan ko trabaho niya. I just stood there frozen kasi hindi ko alam paano ako magrereact. Kung meron man akong napick-up sa mga sinabi niya, yun eh naguguluhan siya. At ngayon, dalawa na kami.
Hay nako Maristella, bakit ba pati ako dinamay mo sa kaguluhan mo kasi?
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko na nasa may dagat na si Agnes kasama si Andrew. Naglalakad-lakad lang sila at nag-uusap. Naupo na lang ako dun sa may pampang nung naramdaman kong tumabi sa 'kin si Jam.
"O ano? Di pa rin kayo nag-uusap?"
"Nakapag-usap na pero maiksi lang." She sighed.
"Alam mo Pat, hindi ko pa rin gets kung ano bang kinakabaliw mo dun kay Charlie."
"Grabe ka naman."
"What? It's true. I mean, sure pretty siya. Pero that's all she is eh. I mean she's smart, sige, or she's nice, but she's too..."
"Too what?"
"Boring."
"Hoy grabe ka! Ayan ka nanaman. Masarap kakwentuhan si Charlie."
"Masarap siyang kakwentuhan kasi bet mo siya. Pero Pat, I don't see it. I mean, wala kayong... hmm... chemistry. I mean, tayo as a band, we are all awkward kids. But we're okay. Kayong dalawa... you're just... bland. Wala eh. Walang oomph."sabi ni Jam sabay sinuntok niya yung palad niya to emphasize.
"Grabe ka talaga."
"Ano bang nagustuhan mo sa kanya?"tanong ni Jam.
"Charlie is... sweet. She's caring ganyan.""Caring? Yun na yun? Care bear siya ghorl?"sabi ni Jam. Binatukan ko siya.
"Alam mo ikaw!"
"Gaga totoo naman ah. Ang sinasabi ko lang, don't you have a better reason for falling in love with Charlie?"
"Like what?"
"Like what led you to that?"
Napaisip ako. And to be honest, now I don't know.
"Hindi ko alam. I mean, ganon naman di ba? You just wake up one day and you know na mahal mo na yung tao."sabi ko sa kanya.
"Yeah and one day, you can also just wake up with the realization na hindi mo na siya mahal. And Pat, to be honest, I think you woke up with that realization already..."
"...You're probably just scared of admitting that even to yourself."