Nagmeet kami nila Jam sa condo namin ni Agnes. Hindi ko pa nasabi sa kanila kung ano nangyari sa 'min ni Agnes. Hindi ko rin kasi alam paano sabihin sa kanila yung totoo.
"O nasaan si Agnes?"
"Umuwi siya ng Baguio."
"Ha? Bakit?"tanong ni Jam. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanilang dalawa ni Nicole na kasalanan ko kung bakit. So I didn't reply and there was a long pause kasi di ko alam sasabihin ko.
"Hindi na matutuloy yung kasal naming dalawa."sabi ko.
"Ha? Bakit? Kung kelan mahal niyo na yung isa't isa ngayon kayo hindi magpapakasal? Bakit?"tanong ni Jam.
"I told Agnes na hindi ko siya mahal."
"ANO BAKIT MO SINABI YUN?!"sigaw ni Nicole.
"Agnes has gamophobia. She has a fear of getting married."paliwanag ko.
"What?"
"Kaya nung dinner namutla siya and she passed out and she was under a lot of stress kaya siya nagcollapse. And..."
"And?"
"Narealize ko na it is selfish for my part to do that. Napakaselfish naman na ipipilit ko pa rin sa kanya yung kasal knowing that it would trigger her and it would be harmful for her. She gets a panic attack when we talk about marriage and that dinner has taken a toll on her. Agnes has a heart problem and I'm scared na I would just trigger her."
"Pat sorry, pero ang tanga eh! Kung ayaw mo magpasakal sa kanya sana sinabi mo na lang sa kanya na ayaw mo nga magpakasal. Tatanggapin niya yun. Baka nga mas matuwa pa siya na kaya lang ayaw mo ikasal kasi dahil sa kanya. Bakit kailangan mo sabihing hindi mo siya mahal?!"sabi ni Jam.
"Pat alam ko naman na dati ka nang tanga eh. Pero hanggang ngayon ba naman?!" sabi ni Nicole.
"Grabe ka naman magsalita baks."
"Girl! Sobrang katangahan yan. Alam mo naman gaano ka kamahal ni agnes? Tapos sinaktan mo yung tao? For what? There's other ways of achieving what you want tapos ganon."
"Guys..."
"Ano? Don't try to justify what you've done kasi alam mo kung ano lang ginawa mo? Sinaktan mo lang si Agnes, yun lang yun! It's not because of her fear, its not because of her phobia, but because you yourself are scared. Dahil natakot ka na masyado mong mahalin si Agnes and in the end dahil di siya pwede magpakasal, natatakot ka na at the end of the day hindi ka makapagcommit sa kanya long term without a label and without a proper commitment."sabi ni Jam.
"Agnes wanted to get married." I replied quietly.
"Ano?"
"Agnes wanted to get married but she was just under a lot of stress pero nagusap na kami and she wanted to get married."
"O eh yun naman pala eh! All the more Pat, all the more!"sabi ni Nicole.
"Gusto niyang ikasal kasi she wants to be happy on that day. She wants to understand bakit masaya mga tao pag kinakasal sila."dagdag ko. Bakit ko nga ba sinabi sa kanyang hindi ko siya mahal?
"Pat are you even listening to yourself? Yun yung gusto ni Agnes. Yun yung gusto niya. That is her own way of coping with this phobia and yet pinagkait mo yun sa kanya! Pinagkait mo yung chance na eventually maget over niya yung fear niya. Pat hindi mo ba naiintindihan? Gusto niya ikasal sa'yo cause she wants to get over this fear. And she's willing to get over her fear para sa'yo!"sabi ni Jam.
"Oo na sige na nga ang tanga ko nga!"
"Hay nako ka talaga!"sabi ni Jam at kita ko sa mukha niya yung inis niya.