Nagulat ako nung bigla na lang tumawa si Agnes. Luh. Ang kulit ng tawa niya. Napadilat ako at napatingin sa kanya. Namumula ata ako.
"Anong akala mo? Hahalikan kita? Asa ka pa."sabi niya.
"Bakit ka ba kasi lumalapit?!"
"Eh ang sikip nga kasi. Ang liit-liit na nga nung lugar, ang laki mo pa."
"Sino ba pumili ng lugar na 'to? Di ba ikaw? Umatras ka nga! Naaamoy kita. Ang baho mo!"sabi ko sa kanya.
"Sariling amoy tawag dyan. Dinadamay mo pa ako. Pero seryoso na. Look, I know we both don't want to get married and I'm sure that this relationship won't work. So, for our own benefit, stay out of my life, I'll stay out of yours. We'll find a way to get out of this wedding. We'll make them cancel it."
"Okay. So anong plano mo?"
"Wala pa. But for now, let's just stay away from each other as much as possible. Let's stay out of each other's personal lives. Deal?"
"Deal."sabi ko sa kanya. Tumango siya tapos lumapit na siya sa pinto.
"Uh.. Pat. Hindi ko mabuksan yung pinto."sabi niya.
"Wag mo nga akong niloloko. Buksan mo na!"
"Hindi nga ako nagbibiro. Ayaw nga."sabi niya.
"Tumigil ka nga! Buksan mo na!"
"Ayaw nga."sabi niya.
"Ayaw pala ah."sabi ko sabay umutot ako.
"GRABE ANG BAHO!"sabi niya sabay nagmamadali nyang binuksan yung pinto. Ayaw pala ah. Eh di tumigil din siya sa kalokohan niya.
Lumabas na kami mula dun sa closet. Kinabahan lang din ako na baka mamaya may makarinig na nandun kami sa loob kung ano pa isipin.
"Grabe. Hanggang ngayon naaamoy ko pa! Kadiri ka! Di ka man lang nahiya sa 'kin."sabi niya.
"Mamaya may makakita sa 'tin! Kung ano pang sabihin tungkol sa 'ting dalawa!"sabi ko sa kanya.
"Patricia Lasaten, musical director of Cutting Edge Productions seen with Agnes Reoma, bassist of Runway Hits inside closet. Ang gandang news article di ba? Siguradong matutuwa si Mama."sabi ni Agnes.
"Hay nako. Walang magandang kakalabasan yang article na yan!"sabi ko sa kanya. "Isara mo na nga yan!"sabi ko sa kanya kaya sinara niya na yung pinto nung closet. Paglingon ko, nagulat kaming dalawa kasi nasa likod namin yung bagong sound engineer namin. Nako patay.
"Luh. Anong ginagawa niyo dyan?"sabi niya.
"Ah... eh... di ba ikaw si Jam?"sabi ko sa kanya. Galingan mo Patricia.
"Oo."
"Mahilig ka ba sa coffee? Gusto mong kape? Tara kape tayo. Libre ko."sabi ko.
"Di na. Nagtatanong lang naman ako. Don't worry. Your secret's safe."sabi niya. Ngumiti ako. Susko Lord. Sana totoo.
Pero inaya ko pa rin siya magkape. Pumayag naman siya kaya naglunch na rin kami nila Nicole kasama siya. Sumama rin si Agnes since wala rin naman siyang ibang kilala sa office. Pabalik na kami sana sa office nung may nabangga ako malapit sa elevator.
"Sorry po."
