Sa sobrang haba ng flight, pagod na pagod akong pumasok ng kwarto namin. Hindi ko na nga naalala anong nangyari, basta nung nagising ako maliwanag na. Pagcheck ko ng phone ko, nakita ko na may email na sa 'kin yung client ko kaya tinawagan ko si Agnes sa WhatsApp para ipacheck sa kanya yung isang file. Ang tagal bago sumagot si Agnes pero after ilang rings, sumagot din siya.
"Hello? Agnes, pacheck naman ako. Maling file ata yung nasend ko dun sa client. Kasi sinasabi niya same pa rin yung soundtrack --"
'Pat.' sagot ni Agnes. She sounded groggy. May sakit ba siya?
"Yes? You sound different. May sakit ka ba?"
'Wala akong sakit.'
"Eh bakit ganyan boses mo? Parang ang tamlay. Anyway, pacheck ako nung file, naka-cc ka naman dun sa email ko please. Baka kasi inaantay na rin nila. Yung bagong file, I also emailed it to you."
'Okay. I'll check it.'
"Are you still in bed? Late na ah."sabi ko sa kanya. Hindi nga kaya may sakit siya? Baka dapat sabihan ko si Jam na icheck si Agnes.
'Kaninong timezone late na? 'sabi ni Agnes.
Ay tanga. Magkaiba nga pala kami ng timezone. Hindi ko alam kung bakit pero napaface-palm na lang ako. Bigla kong narealize na madaling araw palang pala sa Pilipinas. Nahiya naman tuloy ako na ginising ko si Agnes.
"Gahd. Sorry Agnes. Akala ko umaga na rin dyan. Nawala sa isip ko."sabi ko sa kanya. "Sige check mo na lang later pag nasa office ka na. Sorry talaga."
'For a second there I got confused din nung tumatawag ka. Akala ko you had your nightmares again. Anyway, well, I'm up now. How's things? Namiss mo lang 'ata ako eh.'sabi niya.
"Tse. Akala ko lang talaga umaga na. But yeah, okay naman. I just woke up since we arrived. Sobrang pagod yung flight eh."
'You have plans to go out today? Mag-ingat kayo ha.'
"Don't worry, I would. Actually akala ko bakasyon talaga to. May mga client meetings din pala si Dad."
'You need to get used to that though. Soon, ikaw na gagawa nyan for your company.'
"Hindi pa 'ata ako ready dun."
I frowned at the idea na ako yung magma-manage nung company. I mean, yes eventually, I need to. But I want to go tour with the band din. Minsan I feel like I want to quit work and just focus on the band eh. But I enjoy my work somehow, kaya kahit mahirap, I still push through with it. Pero kung kagaya ako ni Dad na laging umaalis for business, hindi ko alam kung paano ko isasabay yung band.
'Well. Stop worrying about it for now.' sabi ni Agnes.
And can you imagine having to leave your family every time or bringing them, pero wala ka rin namang oras para sa kanila? Parang ang hirap naman din nun lalo na sa partner mo. Siguro swerte na lang din ako since nasa same work and same band naman kami ni Agnes eh di at least I don't have to worry about leaving her kapag aalis ak -- no, Pat. No.
'Huy. Ano nawalan ka ba ng net? ' tanong ni Agnes.
"Ah... hindi. Ano... wala. May naisip lang ako. Alam mo matulog ka na ulit. Next time na tayo magkwentuhan pag medyo maaga na dyan."
'Eh gabi naman yun for you. Okay lang naman sa 'kin wifey. Hindi naman ako morning person. I can stay up late.'
"Yeah, but hindi ka naman nagstay up late today, nagising kita. So go back to sleep kasi you need to go to work din later."
'Sige. Ingat ka dyan okay? '
"Yes. I will."sabi ko sa kanya. I heard her yawn sa kabilang line kaya medyo natawa ako.
"Goodnight Aji."
'Good morning wifey.'
Tama si Nicole. I should really take this time off.