Ilang linggo na rin namin tinatrabaho yung bago naming project and everyday nakikita ko kung paano nag-aattempt si Raisa na lumapit kay Agnes but Agnes really is tied up with a lot of projects kaya madalas deadma lang din talaga siya. Buti na lang Agnes is the kind of person that you can trust. Hindi ko man maiwasang magselos minsan at mainis kapag nakikita ko si Raisa, palagi namang pinaparamdam sa 'kin ni Agnes na ako na talaga yung mahal niya.
Pag-gising ko, wala na si Agnes sa tabi ko. Samantalang hindi ko pa naririnig yung alarm namin. Paglabas ko, nandun na si Agnes at nakabihis na siya.
"O, you're up early."sabi ko sa kanya.
"Good morning wifey. Sorry, did I wake you?" Umiling ako.
"Bakit ang aga mo?"
"Early morning meeting."
"Wait, I'll make you breakfast."sabi ko sa kanya.
"Di na wifey. Nag-aantay yung client eh. I'll maybe grab something along the way."sabi niya. "I'll see you in the office okay?"sabi niya tapos lumabas na siya ng pinto. Late na nga siguro yun.
Naghilamos lang ako and paglabas ko ng cr narinig ko na bumukas ulit yung pinto at bumalik si Agnes.
"O, you forgot something?"
"Yes."
"Ano yun? Dapat tinawag mo na lang, pwede ko naman dalhin sa office."
"Eh it can't wait."
"Ano ba yu--"
Nagulat ako kasi lumapit si Agnes sa 'kin and we're just a few inches away from each other and Agnes wrapped her arm around my waist and pulled me closer kaya bumangga ako sa kanya. Agnes just gave me a very quick kiss first and then she decided to kiss me again. Parang biglang nakalimutan ko na yung pangalan ko and I held on to her kasi nanlambot talaga yung mga tuhod ko.
Agnes pulled away and just smiled at me and gave me another kiss in the forehead.
"Di ko naman kasi pwede tong gawin pag nasa office na."sabi niya. I smiled at her.
"Hay nako Agnes, umalis ka na. Baka di pa kita mapakawalan."sabi ko sa kanya. She just smiled and held my hand then she kissed my knuckles.
"I love you wifey. See you at work."sabi niya habang palabas siya ng pinto. Hay Agnes.
Pagbaba ko ng condo, nagulat ako na may Grab na nag-aantay sa 'kin. Binook daw ni Agnes para hindi na ako mahirapan and para sabay kami pauwi.
Pagdating ko sa office mukhang tapos na yung meeting niya at ngiting-ngiti niya akong sinalubong. Hindi ko alam kung bakit pero the moment I saw Agnes, it felt like it was the first time I saw her. Para akong tangang nakita yung crush ko at abot tenga rin yung mga ngiti ko.
"Wifey. You didn't have to."sabi niya.
"Ha?"sabi ko sa kanya. Anong sinasabi niya?
"Yung food. You didn't have to buy me food. But anyway, thank you. Pero samahan mo akong kainin yun."sabi niya. I looked at her.
"What food?"sabi ko sa kanya. I raised my eyebrows.
"Ito."sabi niya then tinaas niya yung paper bag na may pangalan niya habang ngiting-ngiti siya but then her smile faded away when it finally dawned on her na hindi yun sa 'kin galing.
"Wait, hindi sa'yo 'to galing? Eh kanino galing 'to?"
"Aba yan din itatanong ko sa'yo. Isang tao lang naman ang naisip kong pwedeng magdala nyan para sa'yo."sabi ko sa kanya.
"Wait, okay. Relax, for all we know baka galing 'to kay Sasha."
"Don't even go there. Isa pa yang si Sasha!"
"Wifey, baka sa client 'to galing okay. Let's not over --"
"Agnes, nakuha mo ba yung breakfast mo?"
Napalingon agad ako nung narinig ko yung boses niya. Sino pa nga bang magpapadala ng pagkain sa jowa ko kundi yung magaling niyang ex? Naramdaman kong uminit nanaman yung tenga ko.
"Sa'yo galing 'to?"sabi ni Agnes kay Raisa.
"Well yes. Kasi sabi mo kanina hindi ka pa nagbreakfast kaya ayan."sabi ni Raisa. Napatingin ako kay Agnes. Ah, so si Raisa pala yung kameeting niya. Ah so sinabi niyang hindi pa siya kumakain.
"Pat, hindi mo ba alam na hindi pwedeng nalilipasan ng gutom si Agnes? She should always --"
"Raisa."sabi ni Agnes. Naramdaman ko na lalong uminit yung tenga ko.
"Are you implying na hindi ko inaalagaan si Agnes?"sabi ko sa kanya. Biglang lumapit sa 'kin si Agnes and humarang siya sa harap ko.
"Wifey, let it go."sabi niya.
"I'm not implying anything. Pero masama kay Agnes ang mag-skip ng meal. I hope you know that by now."
"Raisa."saway ni Agnes. "Look, as our client, I respect you but don't talk that way to my girlfriend."
Tumingin si Raisa sa 'kin at tumingin lang din siya kay Agnes then she raised both her hands to signal that she's stopping. Pero bago siya pumasok sa meeting room, nagsalita ulit siya nung dumaan siya sa tabi ko.
"Be careful Pat, I'm good at getting what I want."
"Well I'm good at keeping what's mine."sagot ko sa kanya.
Hindi ko na macontain yung inis ko kaya lumayas na lang ako at pumunta sa pantry. Nakakaasar talaga pagmumukha ni Raisa. How dare her lecture me about taking care of Agnes?
"Wifey."sabi ni Agnes habang hinihingal siyang pumasok ng pantry.
"Bakit hindi mo sa 'kin sinabi na si Raisa ang kameeting mo today?"
"Wait, wait. Hindi ko siya ka-meeting."sabi niya.
"Ah so casually mo lang sinabi sa kanya na hindi ka pa nag-breakfast. ANO NAGPAPA-ALAGA KA?!"
"Wifey, calm down please. Eh kasi ang sabaw ko sa meeting kanina so nagbiro ako na sorry wala pang breakfast. I didn't think na Raisa would overhear it. Hindi ko nga alam na andyan siya eh."sabi ni Agnes.
"AND HOW DID YOU EVEN ASSUME NA MAGPAPADELIVER AKO NG FOOD FOR YOU?!"
"I seriously thought na sa'yo galing yung food kasi alam mong hindi pa ako kumakain."sabi niya. "Grabe di mo man lang nga ako naalalang dalhan ng breakfast."sagot niya then she pouted.
"AH SO TINGIN MO PINAPABAYAAN KITA? EH DI MAGSAMA KAYO NIYANG EX MONG KUMAIN NG BREAKFAST!"
"Joke lang. Wifey, calm down."sabi niya.
"AND HOW DARE HER TELL ME NA PINAPABAYAAN KITA?!"
"Wifey, just let it go. Okay? Hindi mo naman ako pinapabayaan and sobra sobra pa nga yung gina--"
"AGNES."sabi ko sa kanya, fuming. She stopped and kept quiet.
"YOU'RE NEVER LEAVING THE CONDO WITHOUT EATING AGAIN. DO YOU UNDERSTAND?!"
Tumango siya na parang bata. Kaya kahit gaano ako kainis sa ex niya hindi ko napigilang matawa sa reaction niya. I saw her finally relax.
"Agnes, I didn't bring you food kasi I want to ask you to eat breakfast with me after your meeting."sabi ko sa kanya. Somehow I feel guilty na hindi ko nga siya nadalhan ng pagkain.
"Then let's just eat breakfast."sabi niya sa 'kin.
"May pagkain ka di ba? Kumain ka mag-isa mo."
"Wifey naman eh. Bati na tayo."sabi niya then she smiled. Paano ko ba naman siya matitiis kung ngingitian niya ako ng ganyan?
Lumapit si Agnes sa 'kin and she held my hand.
"Are we good?"sabi niya. I sighed. Unfair naman na magalit ako sa kanya eh she didn't ask for it naman. I just nodded and Agnes smiled. Paano ko naman makukuhang magsungit sa mga ganyang ngiti?
"Wifey, kahit ilang ulit. Kahit ilang beses. I'll keep saying this. Ikaw ang mahal ko."