Overtime ako kasi ang dami kong kailangan tapusin at ayoko pang umuwi dahil makakalimutan ko yung mga naisip ko. Pero buti na nga lang din at nasa Makati na lang ulit ako. At buti na lang din, namove yung MV shoot at gig namin nila Pao, kasi kung hindi, malamang hindi rin ako nakasama sa sobrang busy ko lately.
Kanina pa ako inaaya umalis ni Agnes kasi gusto na daw niyang manuod na lang ng gig dun sa isang bar malapit sa office. Kanina ko pa rin siya pinapaalis pero hindi naman siya umaalis. Paglingon ko, nakita ko na nakaupo lang siya dun sa sofa sa likod ko at nakatingin sa phone niya. Naiinip na nga siguro siya.
"Agnes."
"Yes wifey?"
"Mauna ka na if you want. I can book Grab naman to go home."sagot ko sa kanya. Mukha kasing napagod din siya at mukhang bored na siya.
"Bakit? Hindi naman kita inaantay. Aalis din ako mamaya. Nagpapalipas lang ako ng traffic."sabi niya. I rolled my eyes. Why did I even bother?
Sinuot ko na ulit yung headphones. Di ko na pinansin si Agnes at tinapos ko na yung project ko. Pero ang haba pa kasi nung kailangan kong i-score. Pagtingin ko sa relo nagulat ako na 11pm na pala. Siguro nakaalis na rin si Agnes.
Nagstretch lang ako ng konti tapos paglingon ko, nagulat ako na andun pa rin siya. Pero nakatulog na siya sa sofa. Hindi daw niya ako inaantay pero andito pa rin siya. Bagsak ang ulo niya habang nakaupo siya kaya siguradong ngalay na yung batok niya. I stood up tapos dahan-dahan kong inayos yung ulo ni Agnes. Grabe naman tong matulog. Sobrang himbing. I heard her move pero imbis na gumising, tuluyan na siyang humiga sa sofa.
Nagligpit na ako ng gamit ko. Bukas ko na lang itutuloy lahat ng kailangan kong gawin. Kawawa rin naman si Agnes kasi maghapon niya na akong inaantay.
"Agnes."sabi ko habang tinatapik ko siya. Pero hindi siya gumalaw.
"Aji. Gising ka na. Uwi na tayo."sabi ko sa kanya. She just grunted pero di pa rin siya nagising.
"Wifey!"sabi ko sa kanya. Tinry ko lang naman. Baka sakaling magulat siya sa sinabi ko at magising siya. She stirred pero di pa rin nagising. I tried tapping her again pero the moment my hands came in contact with her arms nagulat ako kasi hinila niya ako palapit sa kanya.
And since she was in the sofa, I lost my balance and fell on top of her. And our lips almost touched. Naknampucha.
"Puro ka kalokohan!"sabi ko sa kanya habang hinahampas ko siya while I tried to stand up away from her. Inayos naman niya yung glasses niya at umupo.
"Aray! Wait! Bakit? Sorry. Nananaginip lang pala ako. Nagpapatulong daw akong tumayo eh cause I fell down from the stairs."sabi niya. "Nasa condo na ba tayo?"tanong niya.
Halatang wala pa siya sa wisyo at naalimpungatan lang. Tumingin-tingin siya sa paligid niya at dun niya lang ata narealize na hindi pa kami nakakauwi. Inalis niya yung salamin niya at hinagod yung mukha niya. Tapos sinuot niya na ulit salamin niya at tiningnan yung relo niya.
"Hala madaling araw na."sabi niya. "Pwede na ba tayong umuwi wifey?"dagdag niya. Natawa naman tuloy ako. Minsan si Agnes talaga parang bata eh.
"Oo nga. Kaya nga kita ginigising kanina pa. Let's go na."sabi ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang tumayo.
"Akala ko ba hindi mo ako inaantay? Akala ko nagpapalipas ka lang ng traffic?"taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Eh traffic pa rin naman papunta dun. So I stayed na lang."
Natawa na lang ako. Hindi talaga magpapatalo 'to. Magvo-volunteer na sana akong magdrive pero ayaw nyang pumayag. I looked at Agnes while she's driving. She looked very tired pero hindi naman siya nagreklamo. Akala ko nga maiinis siya kasi hindi na rin kami nakapunta dun sa gig na sinasabi niya. I know she's trying not to come across as someone who cares, pero in reality, I know that she's also looking out for me.
I guess, somehow, I'm also thankful to have her.