Halatang nagulat si Charlie sa sinabi ko kasi natigilan siya at kahit ako nabigla din sa sinagot ko sa kanya.
"I mean, ako? Ako tinatanong mo?"
"Well, yeah. Ikaw nga."sabi niya habang natatawa siya. "Ang sabaw mo Pat." Siguro kung si Agnes ang kasama ko, malamang sinabi niya sa 'kin na may iba pa ba eh kaming dalawa lang naman ang magkausap. Napangiti tuloy ako.
Hindi ko namalayang nasa subdivision na rin pala kami. Hinatid ko lang din sa bahay si Charlie.
"Pat."
"Yes?"
"Thank you. Ingat ka okay?" Tumango ako. Ngumiti lang din si Charlie tapos kumaway na siya.
Pagdating ko ng bahay, sinalubong lang din ako ng mga kapatid ko and nagdinner din kami. Napaisip tuloy ako kung nakabalik na kaya ng condo si Agnes. Pagtapos namin magdinner, umakyat na rin ako sa kwarto. Napaisip ako sa sinabi ni Charlie na I look so happy around Agnes. I mean, siguro nga, kasi kahit naman nakakainis siyang kausap, madalas natatawa rin naman ako sa kanya. Bakit ko ba siya iniisip?
Hindi ko alam kung anong oras at paano ako nakatulog pero narinig kong tumunog na yung alarm ko. Pagbaba ko, nakaready na yung almusal namin. Kumain lang kami ni Papa tapos dumerecho na rin kami sa meeting namin.
After ng meeting, nagdrive na rin ako pabalik sa office. Pagdating ko, nakita ko na nasa loob ng sound booth si Agnes dahil may nagrerecord sa loob for another project. Ngumiti lang siya sa 'kin nung nakita niya ako and I just smiled back. Paglapit ko sa mesa ko, nagulat ako na may nakalagay na iced coffee at may nakadikit na post-it.
Wifey,
You probably didn't get much sleep last night sa kakaisip mo sa 'kin. And you probably missed my coffee too this morning, so I prepped one for you. Pero syempre, alam kong mas miss mo ako.
P.S. Don't come home yet please. I'm enjoying the bed.
Agnes
"Sweet ni bakla ano?"sabi ni Nicole.
"Tse. Nang-aasar lang yan. Pati happy siya kasi finally nakakahiga na siya sa kama."sagot ko.
"Bakit kasi hindi na lang kayo magtabi?"pang-aasar ni Nicole sabay lumayas na siya.
Maya maya lumapit na rin sa 'kin si Agnes at nakita ko na ngiting-ngiti siya.
"Akala ko ba namimiss mo 'ko bakit ayaw mo pa akong umuwi?"tanong ko sa kanya.
"I prefer the bed thank you."sabi niya. Natawa ako.
"Ah so okay lang pala sa'yo kahit di na ako bumalik sa condo?"sagot ko sa kanya.
"Between you and the bed? Oo naman."sabi ni Agnes. I frowned.
"Di mo talaga ako love."sabi ko sa kanya.
"Hindi nga."sagot niya sabay ngumiti siya.
"Wifey."
"What?"
"I missed you."
"Uwi na 'ko?"
"Joke lang. Enjoy Laguna."sabi niya. Natawa na lang ako at bumalik na rin si Agnes sa area niya. I shook my head. Minsan iniisip ko kung mababaw na ba ako eh.
"Aji."
"Yes?"
"I missed you too."
Ngumiti lang siya sa 'kin pero nakita ko na namula din siya.
"Nice try. I still prefer the bed."
