Natatawa lang sila Migs sa mga mukha namin nila Keifer na feeling ko namumutla pa rin sa takot kay Agnes. Pero nung nakatugtog na kami ng isang round, medyo umayos na yung mood ni Agnes and somehow lighter na yung aura niya.
After namin magpractice, nagready na kami para dun sa official shoot. Habang kumakain kami ng dinner, tiningnan ulit ni Agnes yung kamay ko to check if dumudugo ba ulit. Pagkakain namin, nagresume na ulit kami sa shoot. Ang hirap pala gumawa ng music video. Isang scene na lang at sumandal ako dun sa sofa habang nakikinig kami kela Paolo. Meron nanaman kasi siyang naisip para dun sa kanta. Nakakaramdam na ako ng pagod dahil malapit na ring mag-madaling araw. Agnes was just sitting beside me habang nakikinig din siya at kasabay nang pagtotono niya ng bass niya.
"You okay?"sabi niya. Tumango lang ako.
"You look tired. Kaya mo pa ba?"she asked.
"Yes. Don't worry."sagot ko. Tumango lang din siya and flashed me a smile. After ng ilang minutes, natapos na rin namin yung shoot and yung recording. Nagligpit lang kami at nagpunta na rin sa mga kwarto namin.
Ilang oras na rin ata akong nasa kwarto, pero hindi ako makatulog kaya nagdecide akong lumabas ng kwarto. I am exhausted pero di ako makatulog. Paglabas ko nagulat ako na nandun si Agnes sa may veranda. Naka-indian seat siya sa upuan at tumutugtog."Can't sleep?"tanong ko sa kanya. Napalingon naman siya at nakita ko na nagulat siya.
"Bakit gising ka pa?"
"Namamahay 'ata ako."sabi ko sa kanya tapos umupo ako sa adjacent seat sa kanya habang tumutugtog pa rin siya.
"Were you getting nightmares again?"tanong niya. Sa totoo lang, ayoko munang matulog dahil feeling ko babangungutin lang ako.
"I didn't know you play the guitar?"tanong ko sa kanya to change the topic.
"I do. Dati, pag nasa apartment ako, hindi ako makatulog so I end up playing na lang."sabi niya.
Naupo lang ako malapit sa kanya tapos nag-check lang din ako ng phone ko. Habang nakatingin ako sa phone ko narinig kong kumakanta si Agnes. But it was so soft that it was a bit inaudible for me. I looked up at her and nung nakita niyang tumingin ako sa kanya binaling niya yung tingin niya sa malayo. Anong problema nito? Baka naconscious siya. Nagcellphone na lang ulit ako.
Pero in fairness naman sa kanya, magaling din siya tumugtog ng gitara at nag-eenjoy din naman akong pakinggan siya. Maya maya mas malinaw ko nang naririnig yung kinakanta niya.
"Cause in my eyes, you were mine."kanta niya.
Napalingon ulit ako kay Agnes kasi feeling ko nakatingin siya sa 'kin. And nung nakita kong nakatingin nga siya, hindi ko alam kung bakit pero naramdaman kong uminit yung mga pisngi ko. Ako naman 'ata naconscious sa mga tingin niya kaya binaling ko na lang ulit yung tingin ko sa cellphone ko.
"And I know it sounds so stupid to be waiting this long but I'm still in love and I know I'm not wrong..." Napatingin ulit ako kay Agnes. She just smiled.
"Cause in my eyes, she was mine."Napalingon kami kasi narinig naming may papalapit. Nakita namin na andun si Toni sa may pintuan.
"Di naman kayo nagsabing may jamming session dito."
"Harana sesh yan Tones."sabi ni Jam na kasunod niyang lumabas.
"Ay sorry. Nakakaistorbo ba?"sabi ni Toni.
"Hindi. Wag kang masyadong nagpapapaniwala dyan kay Jamantha."sabi ko. "Upo kayo."dagdag ko tapos umusog ako.
"Uy Agnes, tugtog ka pa."sabi ni Toni.
"Ayoko. Andito na si Jam, baka mainlove yan sa kanya. Selosa pa naman ako."biro ko.
"Ay if you'd be too slow, aagawin ko na talaga sa'yo si Agnes."sabi ni Jam. Natawa tuloy ako.
"Girls, girls. Wag natin pag-agawan si Agnes."sabi ni Toni. "Mahaba ang pila."dagdag niya. Nakita ko na nakangiti lang si Agnes. Aba himala, hindi 'ata siya nakibo.
"Aba. Tahimik 'ata ang Reoma. Antok ka na?"sabi ko sa kanya.
"Hindi pa."
"Eh bakit tahimik ka?"
"Wala naisip ko lang ang haba nga ng pila pero willing naman akong pasingitin ka."sagot niya.