Part 150

403 8 1
                                    

Parang ako naman yung natigilan sa tanong ni Agnes. At parang lahat ng dugo ko umakyat sa pisngi ko. Medyo nabalik lang ako sa wisyo nung biglang tumili sila Nicole sa likod.

"Layag!"sigaw nila. Luh. Mas kinikilig pa sila eh.

"Go na bakla. Baka naman mag-inarte ka pa! Kaya na namin mga sarili namin. See you na lang sa 24th!"sabi nila tapos bumaba na sila. Lord pahinging bagong friends. Yung hindi sana ako basta iiwan.

"So..."sabi ni Agnes.

"Bakit mo naman ako naisipang i-date?"tanong ko sa kanya.

"Wala. I... I just realized na we have never gone out na tayo lang."

"Anong never eh lumalabas naman tayong dalawa ng magkasama?"

"Yeah, but errands and coffee don't actually count as a date. And since nandito ka sa Baguio, I thought na, baka mas..." she took a deep breath. "Basta. I just... ewan ko. I just feel like I want more time with you."sabi niya. Feeling ko sasabog yung dibdib ko. Bakit ganito yung nararamdaman ko?

"I just feel na, I'm more of myself when I'm here. And I want to --"

"Sige."sabi ko sa kanya. She smiled. Sino ba naman ang makakatanggi sa mga ngiti ni Agnes?

"Sige, as in pumapayag ka na to go out with me?"tanong niya. I nodded.

"Trial period."sabi ko sa kanya.

"Huh?"

"Di ba dati tinatanong mo ako kung anong feeling na maging girlfriend ako? Then let's have tomorrow as our trial period."sagot ko.

"May free pass ba ako to kiss you?"tanong niya.

"Gagu except that!"sabi ko sa kanya.

"Joke lang naman wifey. Pero sige na, you should rest. Maaga pa tayo bukas."sabi niya.

"Magsisimba naman tayo di ba?"tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Yes, sayang naman yung wish mo."sabi niya.

"Wish ko lang? Bakit ikaw? Wala kang wish?"nagtataka kong tanong sa kanya. Akala mo naman siya wala siyang wish.

"Natupad na eh."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon