Nagulat ako nung dumating si Agnes sa studio. Kaya naman pala siya nagleave din ngayong araw na 'to.
"Uy guys, si Agnes nga pala. I think marami naman sa inyo kilala na siya. You've probably heard her play as well."
"Yeah. Nakita ko na siya sa Route before. Tumugtog sila ng band niya."sabi ni Andrew. Ngumiti lang si Agnes.
"Ay akala ko kilala niyo na siya kasi siya yung ex ni.."sabi ni Miguel pero di na niya tinuloy kasi tiningnan siya nang masama ni Agnes.
"May dala pala akong food."sabi ni Agnes tapos nilabas niya yung dala niya.
"Grabe that's why I missed you."sabi ni Keifer. Ngumiti lang si Agnes sa kanya.
"Yung pagkain naman ata ang namiss mo Keif."sabi ni Agnes.
At dahil gutom na nga kami, inayos na ni Pao yung pagkain tapos inaya niya na kami. Nakita ko na hindi kumuha ng food si Agnes pero sinuot lang niya yung headset niya at nagstay dun sa isang corner.
Lumapit ako sa kanya at inabot ko sa kanya yung kinuha kong pagkain. Inalis naman agad niya yung headset niya.
"Thank you, but kumain na ako before going."sabi ni Agnes.
"Hindi mo naman sinabi na dito ka pupunta."sabi ko sa kanya. She just shrugged.
"I didn't know na magkikita rin pala tayo dito."sabi ni Agnes. Pero dahil tinawag ako ni Pao, tumayo na ulit ako at iniwan ko na rin si Agnes. Nakinig na lang ulit siya nung track.
"LQ?"sabi ni Jam sa 'kin.
"Hindi ah."
"Himala. Tahimik ata si wifey."sabi ni Jam. I shrugged. Ngayon ko lang din naman nakita si Agnes na ganyan katahimik. Lalapitan ko na sana siya nung kinuha niya na yung bass niya at mukhang nag-iisip na siya.
"Ganyan talaga yan."sabi ni Pao sa 'kin kaya napalingon ako sa kanya.
Nakikita ko rin naman yun sa kanya kapag nasa office kami. But somehow, her energy today is just not the usual Agnes that I know.
"Sobrang dedicated yan si Agnes when it comes to music and work. Minsan may jam session kami hanggang madaling araw, wala yang reklamo. Sabaw lang minsan kausap but very talented. Crush mo ba?"dagdag niya.
"Hindi ah."sabi ko. Napangiti lang si Pao.
"Okay lang naman kung crush mo siya. Hindi na rin ako magugulat. Agnes has a way with people. She's... very charming."
"Siya? Charming?"sabi ko. Natawa na lang ako sa sinabi ni Pao.
"You'll see. May dahilan kung bakit maraming Agnes stans."sabi niya tapos ngumiti lang ulit siya.
Hindi na namin siya pinakialaman and we just proceeded with the rehearsals. Pero hindi ko naiwasang mapahanga kay Agnes nung narinig ko na siya tumugtog. And yung energy niya, sobrang taas. Basta, watching Agnes play is such a sight to behold.
Now I get it. Now I finally understand bakit sinasabi ni Pao na maraming nagkakagusto sa kanya. Somehow, watching Agnes play just magnetizes you. Kaya pala.
I guess I just didn't see it before.