After naming kumain, nagpaalam na rin si Karelle at nauna na rin umalis yung mga kasama namin dahil family day din nga. Naiwan na lang kami nila Jam, Andrew, at Agnes dahil inaantay naming makasakay si Karelle.
"Well, malapit na yung Grab mo. Message me ha. Say hi to tito for me."sabi ni Agnes.
"I will. Uwi ka ba?"sabi ni Karelle.
"Yes. Next week."
"Okay. So I'll see you on the 24th ha."sabi ni Karelle. Tumango lang si Agnes at bumeso na kay Karelle.
"Agnes, eat on time ha. And don't forget to drink your meds." Nakita ko na sumenyas si Agnes kay Karelle na wag maingay. And I saw worry cross Karelle's face.
"They don't know? Agnes, sabi ko naman sa'yo, wag mong pabayaan yang --"
"Bye K. See you on the 24th. Ingat ka."
"May sakit ka?"tanong ko kay Agnes.
"Wala."
"Agnes--"
"Agnes--"
Nagkatinginan kami ni Karelle nung sabay naming sinaway si Agnes. Ano pa bang mga hindi ko alam tungkol sa kanya? Why do I feel like there's so many things that I don't know about her?
"Well. Andito na yung ride ko. Agnes, I mean it. Umayos ka. Wag mong pabayaan yang sarili mo."
"Don't worry okay?"sabi ni Agnes.
"Paano ako hindi magwoworry sa'yo? Eh pabaya ka."
"Don't worry about me. May nag-aalaga naman sa 'kin."
"Don't tell me nakipagbalikan ka na kay Raisa?"
"Shhh! Don't say bad words."sabi ni Agnes kaya natawa si Karelle.
"Sige na, sige na. Bye."sabi ni Karelle.
"K!"
"What?"
"Si Pat."sabi ni Agnes. Bigla akong natigilan at napatingin sa kanya. Nakita ko naman na tiningnan ako ni Karelle tapos tumingin siya pabalik kay Agnes.
"Siya yung nag-aalaga sa 'kin."