Pag-alis ni Agnes mineet ko si Charlie sa lobby dahil nakaleave pala siya ngayon. Ayaw sabihin ni Charlie kung saan kami pupunta pero namalayan ko na lang na nasa SM Aura na kami. Inaya lang din ako ni Charlie na kumain tapos pumunta rin kami ng Mind Museum. Buti na nga lang at hindi pa sila sarado at may ilang oras pa kami.
Nagtitingin kami ng mga exhibit when I felt Charlie's fingertips brush mine. Then she slipped her hand into mine. Charlie's hands were cold but I just smiled up at her. There was this blush on her face and she was shyly smiling at me. So we continued walking around the museum hand in hand.
I wonder kung sinabi ko sa kanya how I felt before, would she have reciprocated my feelings back then? Or kung aaminin ko ba sa kanya na matagal ko na siyang gusto, would she reciprocate it now? I smiled to myself. Feeling ko namumula din ako. Charlie's hands were rough and they were slightly bigger than mine but they were nice. Lately, nararamdaman ko na Charlie has been exerting effort. Minsan aakyat siya dun sa floor namin para magdala ng meryenda or minsan para mag-aya ng lunch. If I don't know any better, tingin ko nga, may gusto na rin siya sa 'kin, pero wala din naman siyang sinasabi.
Pero bigla kong naalala si Agnes. Naalala ko na ikakasal pa nga pala kaming dalawa and to be honest, I dont know how Charlie would take it. I mean, even if we do end up together, papayag ba siya sa setup na to? Knowing I am living with Agnes and that my whole family will not agree to our relationship. Would Charlie even fight for me though?
Pero sa ngayon, I just want to live in this moment with her. To take in everything. I can still feel her cold hands and her touch was very light, as if at any given moment, mahuhulog yung kamay niya at mawawala sa pagkakahawak.
Nung magsasara na yung museum, I told Charlie na ihahatid ko na lang siya sa Laguna. Pwede naman akong umuwi sa bahay namin but she told me na wag na lang. So I dropped her off sa sakayan.
"Pat."
"Hm?"
"Thank you kasi sumama ka."
"Ano ka ba, wala yun."
"Let's do this again, okay lang ba?"sabi niya. I nodded.
"Take care Pat."sabi niya tapos bumaba na rin siya. Kumaway lang ako sa kanya tapos nagdrive na rin ako.Habang pabalik na ako ng condo, sobrang traffic at hindi gumagalaw yung mga sasakyan so I switched off my engine and just played with my phone. I know I'm supposed to be happy today, pero somehow, I don't feel it. I've always wanted to go out with Charlie and to spend time with her pero ngayon, parang wala lang. I mean, I am happy, pero parang walang... ewan ko. Or siguro napagod din ako sa araw na to. Sobrang draining kasi ng work lately and ewan ko.
Nung gumagalaw na yung mga sasakyan, I tried starting the car pero ayaw magstart. Oh shit. Naiwan kong naka-accessories yung sasakyan. I turned on my hazard at pag minamalas ka nga naman, umuulan pa. Iniiwasan na lang ako ng mga sasakyan na dumadaan and since automatic yung kotse, hindi rin ako pwedeng itulak. I checked my watch at almost 10 pm na rin pala. May bukas pa kayang battery delivery? Hindi ko alam kung sinong tatawagan ko, kasi hindi ko pwedeng sabihan si Agnes dahil out of way to sa bahay nila Jam and Agnes has done so much already today. Baka nga hindi pa siya nakakabalik from QC. Bahala na, tatawagan ko na lang siguro si Jam or si Nicole.
"Hello?"
'Yes baks? '
"I need help."
'Bakit? What's wrong? '
"Nawalan ng battery yung car and nandito ako sa Taguig. Alam mo ba number ng mga battery shops?"
'Luh. I'll google. But jumper cable lang kailangan mo keri na yan. At least para maitabi mo lang. Call up Agnes tell her to meet you there. Malapit na lang naman Makati dyan.'
"I can't."
'Why? '
"She... doesn't know I'm here." I hesitated.
'Bakit? Dapat ba alam niya? Pinipigilan ka ba niya when you go out? Then tell her you're there.'
"I kinda told her I'm with Jam. Pero kasi... si Charlie kasi talaga yung kasama ko."
'Shutanginames Patricia?! Bakit mo sinabi yun?! '
"Huy baks kumalma ka. Wait. Let me explain. Eh kasi, inaya ako makipagdate ni Charlie, tatanggi ba naman ako? Eh kaso... may meeting kasi with a client tapos medyo... ano... inalay ko si Agnes."
'Bakla ka talaga ng taon Patricia! Sabi ko sa'yo tigilan mo na yang si Carlotta at wala ka namang mapapala sa kanya. Hala sige todo push ka pa rin. Eh paano ka ngayon aalis dyan? '
"Di ko nga alam baks. Di ko rin matawagan si Jam kasi sure na magsasabi yun kay Agnes. Stressimae talaga."
'Stressimae rin akis. Pero baks, let's face it, si Agnes na ang best person na makakatulong sa'yo dyan. Unless you call a tow truck.'
"Mahal magpa-tow bakla. Baka naman may kilala si tito na mechanic."
'Sige try ko baks. Pero kasi gabi na rin eh. Baka wala na ring open na shop. Stay put ka lang dyan. Mag-hazard ka ah.'sabi ni Nicole sabay binaba na niya.
Ang galing mo talaga self. Paano na nga? Tatawag na ba ako ng tow truck? Ano ng gagawin ko?