After ng series of projects namin, nagkaron din kami sa wakas ng time ni Agnes para makapahinga. Nakaupo kami sa sofa habang nanunuod si Agnes ng movie at nagtitingin ako sa online ng mga camera films. Naalala ko na kailangan din pala namin ng mas malaking kama at ng isa pang cabinet para sa mga damit naming dalawa.
"Aji.""Hm?"
"Bakit pala nung umuwi ako galing Laguna dun ka sa dulo ng bed nakahiga?"
"I was leaving space for you in case umuwi ka in the middlw of the night and you wanted to sleep. Uncomfy kasi dito."sabi niya habang tuloy lang siya sa panunuod.
"Sobrang uncomfy ba dito?"tanong ko sa kanya.
"Sanay na ako eh."sagot niya.
"What if let's buy a bigger bed? Para makahiga ka rin ng maayos."
"I thought we're buying a cabinet first para makafree up tayong konting space?"
"Yeah, oo nga. Then after the cabinet, let's buy a bed." Tumango lang siya. Nagtuloy lang ako sa pagscroll sa online.
"Alam mo, I realized na gusto kong bumili talaga ng film para sa camera ko."sabi ko sa kanya.
"Condo build ka muna. Priorities 'te. Wala ka pang cabinet."sabi niya.
"Eh kasi, gusto ko talaga ng films."sabi ko sa kanya sabay nagpout ako.
"Hay nako Patricia. Bibili ka nanaman ng 'essential'."sabi ni Agnes. I frowned. Totoo naman, pero gusto ko na kasi ulit gamitin yung film camera ko.
"Tingnan mo kasi."sabi ko sa kanya habang pinapakita ko.
"Aanhin mo nanaman ba yan?"
"Nakakatuwa kasi magshoot gamit yung film. Hindi mo ba nakita yung shots ni Toni at ni Jam? Ang ganda kaya."
"Maganda yun depende sa subject. Pero kung ako naman yung ishoo-shoot mo, sige mag-aagree ako."sabi niya sabay ngiting-ngiti nanaman siya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo eh. Pero kailangan talagang kumayod. Ang dami kong gustong bilhin eh. Pero alam mo, promise, kung may isa man akong dream na bilhing something, gusto ko talagang bumili ng marimba. Yun talaga dream instrument ko."
"Alam mo, maiipon mo rin naman yun lalo na kung di ka bumibili ng 'essentials' mo."sabi niya. Kontrabida talaga 'to kahit kelan.
"Essential naman talaga binibili ko. Di ba nga yung cold brew bottle and ground coffee na binili ko, useful naman siya ah."sabi ko.
"Ang dami mong gusto, bakit ako hindi mo gusto?"sabi niya. Bigla naman akong natigilan. Kahit kelan talaga kausap tong si Agnes.
"Bakit kailangan ba gusto kita? Isa pa di naman kita maiinom."
"Makakain lang."
"Maristella napakakalat mo! Dun ka na nga!"sabi ko sa kanya. Tatawa-tawa naman siyang umalis at pumunta ng kusina tapos narinig ko na nagre-ready siya ng meryenda.
Maya maya bumalik na siya at may dala siyang pancit canton para sa 'ming dalawa. Madalas siyang magluto nito and sometimes I worry na hindi siya nakakakain ng healthy na pagkain.
"Ano palang kinakain mo nung wala ako?"
"Wala. Fast food."sabi niya habang sumusubo siya.
"Hay nako Agnes. You should learn how to cook. Unhealthy kinakain mo eh."
"Wala akong motivation to cook eh."sabi niya.
"Hindi ba enough motivation na kailangan mong kumain?"
"Eh I can buy naman."
"Ang gastos kaya nun. Ano bang motivation hinahanap mo?" She shrugged.
"Alam ko na."sabi ko sa kanya.
"Ano?"
"Para may motivation kang magluto."
"Ano nga?"
"Ipagluto mo ako."
"Special ka?"sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama.
"Dali na kasi!""Ayoko nga. Ang sarap kaya na kakain ka lang."sabi niya.
"Ah ganon? Eh kung hindi na kaya kita ipagluto?"
"Matitiis mo ba ako?"sabi niya tapos nagpacute siya. Kakagigil talaga tong si Agnes minsan eh. I rolled my eyes.
"Sarap mong kurutin ng nail cutter."