"Alam mo ikaw, baka pag tinotoo ko yang sinasabi mo, hindi mo kayanin."sagot ko sa kanya pero naramdaman kong uminit yung mga pisngi ko sa sinabi niya.
"Why not?"
"Tigilan mo nga ako Agnes."
"Why do you always think na I'm messing with you?"
"Cause you are."
"Well, what if I'm serious?"
"But are you?"tanong ko sa kanya. She just smiled.
"Well, what if I am?"
"Umayos ka nga."
"Wifey."
"What?"
"Does falling in love scare you?"
"Hindi. 5 years nga di ba?" She chuckled.
"Okay let me revise the question. Does falling in love with me scare you?"
"No. Should I be?"
"No."sagot niya. "But then why do I feel like you are?"
"You don't have to be scared though. Marami namang na-inlove na talaga sa 'kin."dagdag ni Agnes. I shook my head. Why do I even bother?
"Ikaw? Does falling in love scare you?"tanong ko sa kanya.
"No. Fell in love na di ba?"
"Okay. Does falling in love with me scare you?"
"Yes."
"What? Why?"nagtataka kong tanong sa kanya.
"Cause you mean more to me than I wanted you to. I'm scared na I'm not whole enough to love you. You're too fragile for me to break and I'm scared that I might break you."
"Then don't."
"Don't what? Fall in love with you?"
"Break me."
We stared at each other and Agnes just smiled at me. Pero nagulat ako nung biglang tumunog yung phone ko at sunod-sunod yung notifs ko. Pagkita ko, may nakatag sa 'kin na picture ko na tulog ako at naka-nganga. Picture ko nung nalasing ako at kita mo naman na bagsak talaga yung itsura ko.
"MARISTELLA AGNES REOMA PAPATAYIN TALAGA KITA!"
"Bakit wifey? Cute mo kaya dyan."sabi niya sabay tawang-tawa siya.
"Ah nakakatawa yun?"sabi ko sa kanya sabay kinurot ko siya.
"Ow! Grabe ka naman! Cute mo naman talaga dyan."sabi niya tapos tumawa ulit siya.
"Buburahin mo 'to o ikaw ang buburahin ko sa mundo?!"
"Shhh! Public space. Wag kang maingay."sabi niya. Bigla kong narealize na nasa mall pa nga pala kami.
"Mamaya ka sa 'kin sa condo."sabi ko sa kanya. "Wag lang talaga kitang mapipicturan na balasubas itsura mo."dagdag ko.
Ugh. Kahit kelan talaga si Agnes. Panira talaga ng moment.