Part 31

325 6 0
                                    

Ngayong araw na yung meet up namin nila Pao sa studio kaya maaga akong umalis para daanan si Jam. Bumili na lang din kami ng breakfast namin tapos dumerecho na kami sa studio. Pagdating namin, andun na rin sila Miguel.

"Uy ayan na pala sila eh. Guys, si Pat nga pala at si Jam. Pat, Jam, si Andrew, Toni, Poch, at Keifer nga pala."sabi ni Pao sa 'min habang tinuturo niya isa-isa yung mga kasama namin.

We just smiled at each other tapos nag-hello lang din kami sa kanila.

"Ay nga pala guys, medyo antay lang tayo before rehearsing ah. Pero paparinig na namin yung song. Kaso kasi yung nakuha naming magse-session for bass manggagaling pa from work. Magleave nga sana siya eh kaso may hiningi daw favor yung partner niya kaya hindi na nakaalis."sabi ni Pao.

"Alam mo, maganda siguro yung partner nun."sabi ni Migs.

"Feeling ko rin eh."sabi ni Pao habang natatawa. "Kasi hindi yun nagco-compromise kapag ganito eh."dagdag niya.

"Anyway. So ito na yung song."sabi ni Pao tapos kinuha niya yung gitara tapos pinarinig niya sa 'min. Marami na rin siyang idea kaya hindi rin kami nahirapan masyado.

Nakapagrun na kami ng ilang beses at narealize ko kung bakit sila yung pinili ng kambal to play with them. Ang galing nilang lahat. Tanghali na pero wala pa rin yung bassist namin at gutom na rin ako. Sana naman after ng last round na 'to eh kumain na muna kami. Mga ilang minuto after, narinig kong bumukas yung pinto ng studio.

"O ayan na pala eh!"

Paglingon ko...

Ganito na ba talaga kaliit yung mundo?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon