Part 28

341 7 0
                                    

Pag-uwi namin ng condo, nagluto lang din ako ng dinner naming dalawa at kumain. Nagvolunteer naman si Agnes na siya ang magliligpit.

"Alam mo, bagay talaga kayo ni Jam."sabi ko sa kanya habang naghuhugas siya ng plato. Tinitingnan ko kasi yung picture nilang dalawa.

"Nino?"

"Ni Jam."

"Bakit nanaman?"

"Wala ang cute niyo lang kasi tingnan. I mean, tingnan mo, pareho kayong talented, pareho kayong creative, nagkakasundo kayo on many things, pareho kayong chess player, pareho kayo ng gusto --"

"Bakit gusto ka rin ba niya?"

Hindi ko alam kung bakit pero natigilan ako sa sinabi ni Agnes.

"Para kang tanga talaga kausap eh."sagot ko sa kanya.

"Eh bakit mo ba kasi ako pinupush kay Jam?"

"Eh kasi bagay nga kayong dalawa. Hindi ka man lang ba attracted sa kanya? Kasi for sure si Jam attracted naman yun kahit papaano sa'yo."sabi ko.

"Paano mo naman nasabi?"

"Eh madali namang ma-attract sa'yo eh."

"So ibig sabihin ba attracted ka sa 'kin?"sabi niya habang nakangiti.

"Nakakasusot ka naman kausap eh."sagot ko.

"Bakit mo ba kasi ako pinupush kay Jam eh hindi ko naman nga siya gusto."sabi ni Agnes.

"Eh kanino ka ba kasi may gusto?"

"Sa'yo."

"Gagu."

"O bakit?"tanong niya.

"Ako nanaman trip mo ah."

"Eh pa'no kung seryoso ako? Paano kung ikaw na yung gusto ko?"

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon