Part 6

350 5 0
                                    

Nagpunta na kami sa pantry nila Nicole habang inaantay namin si Alex na matapos sa meeting niya para makapaglunch na kami. Pero maya maya natanaw ko si Agnes at naalala ko na sinabi niyang may pag-uusapan kami kaya hinila ko sila Nicole na umupo at nagtago ako sa ilalim ng mesa. Maya maya nakita ko na papalapit na si Agnes.

"Hi. Sorry, pero kayo yung friends ni Pat di ba?"sabi ni Agnes.

"Yes. The one and only! At your service. Anong maipaglilingkod namin sa'yo?"sabi ni Nicole.

"Uh... have you seen her?"

"Ang bilis mo naman atang mamiss si Pat."sabi ni Nicole kaya kinurot ko siya sa binti.

"Aray!"sigaw ni Nicole.

"O bakit? Okay ka lang?"sabi ni Agnes sa kanya.

"Meron kasing malaking langgam na kumagat sa binti ko."sabi ni Nicole tapos tinapakan niya yung kamay ko.

"Ouch!"sabi ko sabay tinakpan ko yung bibig ko at inantay ko na sumilip si Agnes. Langya talaga 'tong si Nicole. Ang sakit ah.

Maya maya natanaw ko na papalayo na yung paa ni Agnes. Hay salamat. Buti naman at umalis na siya. Ayoko naman kasi siyang kausapin. I checked my phone kung anong oras na.

"Hoy!"

"Ay pucha! Aray!"sigaw ko at sa sobrang gulat ko nauntog ako sa mesa. Grabe ang sakit talaga.

"Ayan kasi. Bakit ka ba kasi nandyan sa ilalim ng mesa?"tanong ni Agnes tapos inabot niya yung kamay niya para tulungan akong lumabas mula sa ilalim. Tinabig ko lang yung kamay niya.

"Kaya ko."sabi ko sa kanya at lumabas na ako. Nakita ko naman na natatawa lang sila Nicole.

"Bakit mo ba kasi ako tinataguan?"

"Gusto ko lang. Bawal ba makipagtaguan?"

"Tara na nga! Puro ka kalokohan."sabi niya sabay hila niya sa 'kin palabas ng pantry.

"Teka san mo 'ko dadalhin?! Hoy baks tulungan mo ako!"

"Keri mo na yan baks. Enjoy!"

"Tegi ka sa 'kin mamaya!"sabi ko sa kanya. "Saan mo ba ko dadalhin?"sabi ko kay Agnes.

"Basta. Humahanap lang ako ng tahimik na lugar. Isa pa, wala akong gagawing masama sa'yo. Baka nga mamaya ako pa pagsamantalahan mo eh."

"Excuse me. Di ka ganon kaaya-aya."

"Sige, i-convince mo lang yang sarili mo na di ka attracted sa 'kin."

"Grabe, ibang klase talaga yung kapal ng mukha mo."

Saan ba ako dadalhin nito? Kanina pa kami lakad ng lakad dito sa office hanggang sa nakita na niya yung janitor's closet. Pambihira. Pagpasok namin, ni-lock niya agad yung pinto.

"Magrelax ka nga lang."sabi niya. Relax?! Sino makakapagrelax dito?! Sobrang liit lang nung kwarto siguro hanggang tatlong tao lang ang kasya dito kaya halos dikit na ako sa pader.

"Bakit ba kasi dito mo ako dinala?!"

"Gusto lang naman kitang makausap. At least dito walang istorbo."sabi niya tapos bigla na lang siyang lumapit.

"Hoy wag kang lalapit!"sabi ko sa kanya sabay umatras ako.

Pero lumapit pa rin siya sa 'kin. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ba kasing gusto niyang mangyari? Akala ko ba mag-uusap lang kami bakit lumalapit pa siya? Kailangan ba talaga 'to? Pumikit na lang ako.

Bahala na.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon