"WHAT THE HELL?! SINUSUNDAN MO BA AKO?!"
"Pat?"sagot ni Agnes. Halatang nagulat din siya na andito ako.
"Magkakilala kayo?"tanong ni Ria.
"Unfortunately."sagot ko.
"Dito ka nagtatrabaho?"
"Hindi napadaan lang ako. Malamang!"sagot ko.
"Sabi ko nga. Anong oras break time mo?"
"12. Bakit?"
"Okay. Sige. Let's have lunch together. We need to talk."sabi niya tapos sinamahan na siya nung secretary namin dun sa training room kung saan sila i-oorient.
Lunch together? As if naman sasama talaga ako sa kanya. Maaga na lang siguro kami lalabas nila Nicole para di niya ako abutan. Ano naman kasi pag-uusapan namin?
"Bakla ka talaga ng taon! Pagka-ganon kanya-kanya na lang? Di mo man lang kami pinakilala."sabi ni Nicole.
"Magkakilala kayo?"sabi ulit ni Alex.
"Sino ba yun?"tanong ni Ria.
"Yun? Yun si Satan. Di niyo ba namukhaan? Maganda pero demonyita."
"Ito napakasama. Ano nanamang atraso sa'yo nun? Mukha namang mabait ah."sagot ni Ria.
"Well, apparently sa kanya ako ikakasal."
"Seryoso?!"sabi ni Alex. "Girl! Napakaswerte mo naman!"
"Anong swerte dun eh ubod ng kapal ng mukha ng hayop na yun? Inyo na kung gusto niyo!"
"Baks! Di ka na lugi dyan! Mas bet ko naman yan kesa kay Carlotta. Mas ma-appeal yan baks."sabi ni Nicole.
"Ay true. Isang malaking check ng pink na ballpen!"sabi ni Ria.
"Pero umamin ka bakla, juntis ka 'no?"sabi ni Ria.
"Gaga."
"Nagpapikot ka?"sabi ni Alex
"Hindi."
"Ginayuma ka nya?"sabi ni Ria.
"Hep."sagot ko. "None of the above."
"Eh bakit ka nga magpapakasal?"
"Arranged marriage. Wait. Let me rephrase that, cursed marriage."sagot ko.
"Taray. Chinese ka gurl?"sabi ni Ria. I rolled my eyes. Hindi ko nga alam kung uso pa ba yun. Ito naman kasi sila Mama.
Kaya ayun, I ended up telling them the story kung paano kami nagkakilala initially and kung paano kami umabot sa point na biglang ikakasal na kami. And now, the more I'm telling the story, the more ridiculous it sounds.
"Pero girl. Di mo ba kilala kung sino yun?"sabi ni Alex.
"Malamang kilala ko di ba? Ikakasal nga ako sa kanya di ba?"
"Yan sinasabi sa hula eh. Hindi mo siya kilala 'no? Siya si Agnes Reoma!"
"Oo nga. Alam ko."
"THE Agnes Reoma girl!"sabi ni Alex. Ano bang sinasabi nito ni Alexandra?
"My gahd. Siya si Agnes Reoma?!"sabi ni Ria.
"Wait. What is happening?"sabi ko sa kanila.
"Kaloka ka girl! Siya yung bassist ng Runway Hits!"
"Yung indie band?"
"Oo."
"Aba malay ko ba. Yung vocalist lang nila kilala ko eh."
"At isa pa."sabi ni Ria. "Siya yung ex ni Raisa."
"Raisa? Sinong Raisa?"
"Raisa Racelis."
"Yung bassist ng SUD?!" Tumango silang dalawa ni Alex.
Narinig ko nga dati sa balita na may long-term girlfriend si Raisa and a year ago, naghiwalay sila pero hindi naman kasi ako interested kaya di ko pinansin. Kilala pala siya. How come ngayon ko lang narinig yung pangalan niya?
I glanced at the meeting room kung nasaan sila. And I was surprised nung nagtama yung mata naming dalawa.