"Rupok niyong dalawa."sabi ni Toni kaya natawa ako.
"Pero alam mo Agnes, ako ah, ito ah, payong kaibigan lang naman. Cause I don't know what to make out of it, pero if you're not serious with Pat, tigilan mo na yung panlalandi mo sa kanya. Harot mo eh."sabi ni Toni. Natawa si Agnes.
"Huy, di ko naman siya nilalandi ah."sabi ni Agnes
"Ah talaga ba?"sagot ni Toni sarcastically.
"Correction, correction, hindi ko siya nilalandi."sagot niya. "Nilalandi ba kita?"tanong niya sa 'kin.
"Ewan ko sa'yo."sagot ko sa kanya.
"What?"sagot ni Agnes in disbelief.
"Pa-fall ka kasi gago."sabi ni Jam.
"Correction,"sabi ni Agnes sabay uminom siya. "hindi ako pa-fall. Hindi ko kasalanan kung nahuhulog na siya sa 'ki-- aray! Ow!"dagdag niya dahil kinurot ko siya bigla.
"I mean, realtalk, okay? With alcohol or without, and I can say this in front of everyone."sabi niya.
"What?"
"Hindi ko nilalandi si Pat."
"Kwento mo sa pagong. Hinaharot mo nga eh."sabi ni Toni.
"No that's not what I meant. I mean, hindi ko hinaharot si Pat. I really am concerned for her."
"Ano?"tanong ko sa kanya.
"I really care about you."sabi niya sabay natawa siya.
"Pa-fall ka gago."sagot ko sa kanya kaya natawa siya ng malakas at natawa na lang din kami.
"Para sa mga tangang katulad ko."sabi ni Agnes then she raised her can.
"Para sa mga tangang katulad ko."sabi ko and I also raised my can.
"Para sa mga tangang katulad ko."sabi ni Jam at ni Toni.
"Cheers."sabi naming apat and we chuckled.
"Hay. Coffee?"sabi ni Toni.
"Tubig na lang. Baka di ako lalo makatulog. Guys, drink water before you go to bed para wala tayong hangover."
"Beer lang 'to, hangover mo mukha mo."sabi ni Jam. "Lasing ka ba?" Tinaas lang ni Agnes yung daliri niya to indicate to us to wait for her response habang inuubos niya yung beer niya then she slammed the can on the table.
"Sinong lasing? Kayang-kaya ko kayong patumbahin." We all laughed.
"I can drink a lot, I choose not to. Nirereserve ko yun para sa mga moments na kailangan kong sumalo ng tagay."sabi ni Agnes.
"Para kanino? Para kay Pat?"sabi ni Toni.
"Para kay Pat."sabi niya in agreement. "Para sa nag-iisang wifey ko."
"Pa-fall ka gago."sabay-sabay naming sinabi nila Toni kaya natawa si Agnes.
"Para sa mga tangang katulad ko."sabi ni Agnes then tinaas niya yung lata ng beer niya kahit ubos na.
"Para sa mga tangang katulad ko."
"Cheers."
"Anyway, tulog na tayo. Goodnight."
"Goodnight."