Nagstay pa kami ni Agnes sa may seaside hanggang sa unti-unti ng dumidilim. Lumapit sa 'min si Poch then he and Keifer prepared yung bonfire. Tinawag na kami ni Andrew para kumain kaya bumalik na rin kami nila Agnes dun sa may kubo.
Nakalatag na yung dahon ng saging dun sa mesa namin and we just helped Andrew prepare the food. Habang kumakain kami, napansin namin na nawawala si Pao. Pero after ilang minutes, dumating na rin siya.
"I have a new song."sabi niya habang medyo hinihingal pa siya.
"Akala ko bumili ka lang ng ice dun sa convenience store?"sabi ni Andrew.
"Yes. Kaso daming tao, so ayun, while buying I ended up writing. Anyway, kumain na tayo then after ipaparinig ko sa inyo. Tapos siguro pagbalik natin ng Manila, i-record natin."sabi niya. We just nodded and tumabi na sa 'min si Paolo at kumain na rin siya.
Nagligpit lang kami then we decided to go and drink dun sa tabi ng bonfire. Kaya naman pala bumili sila ng yelo, may plano nanaman sila mag-inom.
"I thought bukas yung gig?"tanong ko sa kanila. "We shouldn't be drinking tonight if that is the case."
"Relax. Gig is not tomorrow. We have a free day tomorrow in Baguio."sabi ni Poch habang inaabot niya sa 'kin yung shot glass.
Dumating na si Pao at may dala siyang gitara and yung maliit na papel na pinagsulatan niya nung lyrics kaya we all just kept quiet and waited for him to sing.
"Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago ang pagtingin. Aminin ang mga lihim, sana di magbago ang pagtingin."kanta ni Pao. I looked at Agnes and it made me wonder if I can finally tell her na this is beyond a happy crush. Na though it is stupid to fall in love, I've embraced it fully.
"Iibig lang, kapag handa na. Hindi na lang kung trip-trip lang naman."
Pero what if Agnes doesn't feel the same? What if trip niya lang din talaga? What if happy crush lang talaga ako para sa kanya? Can I take it? Can I take that answer?
"O so ano guys?"sabi ni Pao. Pumalakpak sila Toni kaya natawa si Pao.
"Grabe ka talaga Pao. Yelo lang hiningi ko, feelings ang binigay mo."sabi ni Andrew kaya kami natawa.
"I have an idea."sabi ni Migs. "Drinking game."
"Ano nanaman yan?"sabi ko. "Hoy baka may pa-kiss nanaman dyan Miguel ha."
"Relax, relax. Hindi. Kasi may line na aminin ang mga lihim, sana di magbago ang pagtingin. Let's do that."
"Ha?"
"Kakantahin natin yung chorus just to break the tension and all, then we'll spin to see sino yung sasagot for what and tungkol kanino. Pag hindi niyo gustong sagutin or di kayo ready to answer the truth, iinom kayo."
"Nice. Mukhang di ako malalasing kasi honest naman ako."sabi ni Andrew.
"Syempre hindi 'no. Pag sumagot, both of you should drink the shot."
"Sabi ko na eh. Malalasing nanaman tayo."sabi ni Jam kaya natawa kami.
"Bawal KJ ah. And bawal sinungaling."sabi ni Migs.
"Paano mo malalaman?"
"I won't. Pero grabe naman kayo guys, pwede namang inumin niyo na lang yung shot instead of lying."pangongonsensya niya. Natawa na lang tuloy ako. "At double shot pag common knowledge natin tapos mali yung sagot."dagdag ni Migs.
"G. Sige."
"Pao, kantahin mo ulit yung chorus."sabi ni Migs tapos kumakanta si Pao habang nagspin naman si Miguel. At napatapat kay Andrew.
"O ayan, Andrew ikaw ang sasagot ng question tungkol kay..."sabi ni Migs tapos nagspin ulit siya. "Agnes."
"Easy."sabi ni Andrew.
"Pet peeve kay Agnes that you can't stand."sabi ni Miguel. Natawa ako kasi muntik ng mabuga ni Andrew yung iniinom nyang beer.
"Sasagot o iinom?"
"Sasagot ako. Agnes is not listening and it's annoying."sabi ni Andrew kaya he took the shot glass and inabot yung isa kay Agnes. Natawa lang si Agnes pero hindi naman na siya masyadong nag-react.
Kumanta ulit ng chorus si Pao and this time si Miguel yung sasagot ng question tungkol kay Pao.
"Alam ko na, pag nagsuntukan kayong dalawa, mananalo ka ba?"sabi ni Andrew kaya natawa kami. Super random nung question.
"Oo naman."sabi ni Migs.
"Sample nga!"sabi ko. Natawa sila.
"Wait, totoo yan. Kasi may boxing lessons si Migs before."sabi ni Pao kaya sabay nilang ininom yung shot nila.
Nakakailang rounds na kami and may mga questions na ayaw nilang sagutin. Kumakanta na ulit si Pao habang sinasabayan namin siya. Nakabisado na namin yung chorus but I think we're all tipsy kaya medyo slurred out na yung words.
"Ayan, Pat. Question related to..."sabi ni Migs. "Agnes."
"Ay ako magtatanong."sabi ni Andrew.
"Sige." Ano naman kayang naisip nitong si Andrew?
"May feelings ka na ba for Agnes?"