Part 101

383 10 1
                                    

When I opened my eyes, yung una kong nakita is yung cabinet ko at dahil nakaharap ako sa bintana, nagising ako sa tama ng araw sa mata ko. Did I actually ask Agnes to stay o panaginip lang yun?

Pero naramdaman ko na there was an arm around me and I realized na hindi ako nananaginip. I did ask Agnes to stay here. I slowly turned para humarap sa kanya. Lately, I find myself always looking at a sleeping Agnes and somehow, I'm still surprised at how nice she still looks. I also realized na despite the arm around me, Agnes kept her distance so that she's still not invading my space cause to be honest, she's really an arms-length away from me unlike kagabi na talagang yumakap ako sa kanya.

Napangiti ako nung nakita ko how my clothes fit her perfectly. And in fairness naman, bagay naman sa kanya whatever she wears. And now that she's wearing my clothes, I realized how we are of the same size. Pero napangiti lalo ako nung napansin kong bitin sa kanya yung pajama ko. Ang haba naman kasi niya. I saw her stir, kaya bigla akong nagpanic pero hindi na ako nakatalikod ulit. Agnes has her other eye still closed and nakatago sa unan yung half ng face niya while the other one looked as if nasisilaw siya.

"Good morning wifey."sabi niya then she smiled. I just smiled back. "Bakit hindi mo ako ginising? Natulog ka ba?"

"I didn't want to wake you up kasi alam kong napagod ka from driving."

"Kunyari ka pa, tinititigan mo lang kasi ako."sabi niya.

"Ihulog kaya kita sa kama?"

"Ilang beses mo ba ako kailangang ihulog? Di ba pwedeng ikaw naman mahulog?"

"Kanino?"

"Sa 'kin." Hinampas ko siya ng unan.

"Bumangon ka na nga dyan. Baka kumakain na sila sa baba."sabi ko sa kanya.

"Tanga naman kasi ng tanong mo, kama pinag-uusapan ang tanong mo kanino."sabi ni Agnes. I rolled my eyes. Nagstretch lang siya tapos bumangon na rin. Pagbaba namin, andun na nga sila Papa.

"O mga anak, gising na pala kayo. Kumain na."sabi niya kaya lumapit na kami ni Agnes. Nung nakaupo na kami nagulat ako na nilagyan ako ng pagkain ni Agnes.

"So, Agnes, kumusta yung project niyo?"

"Okay naman po tito."

"Wag na tito, ano ka ba, dapat by now nagsasanay ka na. Dad na lang or Papa. Pero hindi ka ba pinapahirapan dun? Sabihin mo lang."

"Ah hindi po. Mabait nga po si direk."sabi ni Agnes tapos inabot niya sa 'kin yung kape.

"Eh bakit sabi nito ni Tricia feeling niya ino-overwork ka nila dun? Naiinis na nga siya kasi napapagod ka daw masyado dun." I choked on my coffee. Minsan ko lang sinabi yun at nakakalokang kinwento pa ni Dad. Napatingin tuloy sa 'kin si Agnes at napangiti nanaman siya.

"Protective lang po talaga tong si Pat."sabi ni Agnes. Inirapan ko lang siya at ngumiti lang si Agnes.

"Nga pala Agnes, are you returning to Sagada today?"

"Ah opo. Nakakahiya na rin po kasi kay direk."

"Well then dapat magdala ka ng pagkain and you should stop over para hindi ka mapagod." Ngumiti lang si Agnes. I don't know why pero bigla akong nalungkot na aalis na siya. Ano ba Patricia, ano bang nangyayari sa'yo?

After namin magbreakfast, nagready na rin si Agnes paalis papuntang Sagada. Nag-aayos siya ng gamit dun sa may sala nung tinawag siya ni Dad.

"Ay nga pala Agnes. Hanggang kelan nga yang project niyo?"

"Hanggang end of November po tito... uh... dad."

"We're planning na pumunta sana ng U.S. ngayong November. Baka gusto mong sumama."

"Uh... thank you na lang po. Wala rin kasi po akong visa and actually, hindi pa rin naman po kasi tapos yung project by then. And plano ko po sana umakyat ng Baguio sa first week ng December. Medyo matagal na po kasi akong hindi nakakauwi."sabi niya.

"Well, I understand naman. But in case you change your mind, do let me know para magawan natin ng paraan."sabi ni Dad.

"Ayaw mong sumama?"sabi ko sa kanya.

"Next time siguro wifey. And besides, we'll get our chance to go there next year naman."

"Bakit? Anong meron next year?"

"Kasal natin."

"Mukha mo."

"Relax. Joke lang."sabi niya. "And ayaw mo ba nyan? At least you won't see me too much."dagdag niya.

Tama naman yung sinabi ni Agnes but ewan ko, somehow hindi ko yun naisip. Ano bang ininom namin kahapon? Bakit parang lasing ako?

"Well, anyway final na talaga 'to. Aalis na ulit ako."sabi niya. I nodded.

"Ingat ka."sagot ko sa kanya. She pouted.

"Wala man lang ba akong hug? Matagal-tagal tayong hindi magkikita."sabi niya tapos inopen niya yung arms niya pero hindi ako gumalaw.

"Damot."sabi niya kaya natawa ako.

"Mag-ingat ka okay?"

"Yes wifey."sabi niya tapos naglakad na siya palabas ng pinto.

"Aji."

"Hm?"

"Pwede ba kita makita bago ako umalis papuntang U.S.?"

"Let's see."sabi niya. "Final offer?"sabi niya tapos inopen niya ulit yung arms niya. Lumapit ako and niyakap ko siya.

"Ayan na." Napangiti lang si Agnes.

"I'll see you soon wifey."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon