We continued listening sa mga records ni Agnes hanggang sa tinawag kami ni Tito Gil na lumabas. Lumabas lang din kami at sumama kami sa mga pinsan ni Agnes. Nag-ikot kami around Baguio and nagsimba. Pagbalik, nakaluto na si Tiya Cy. Kumain lang din kami and yung mga pinsan ni Agnes, they were drinking so we joined them. Cool din ng mga pinsan niya. We jammed a few songs and nakita ko na nagulat sila na marunong ako tumugtog ng gitara.
I looked at Agnes and I realized she makes this cute face whenever she sings. Ang cute din niya habang medyo may mini dance siya in time with the songs. I smiled. Agnes may be older than me pero minsan she really just gives off this baby energy. Ang cute din talaga nito ni Reoma.
Maghapon lang akong sumasagot sa mga tawag naman ng mga friends ko at nila Mama. Nung tumawag sila Mama, nakipagkwentuhan din siya kela Tita Cy at nagsabi na sila na aayain nila si Agnes for New Year. Nag-thumbs up lang si Agnes. Grabe, wala naman kami masyadong ginawa pero napagod ako. Nung gabi na binuksan na namin yung mga regalo namin. After dinner, pumasok na kami sa kwarto niya.
Nakita ko na nakahiga na si Agnes sa kama pero hawak niya pa yung ukelele at tumutugtog pa siya. I feel exhausted along with the fact na nakainom kami. Grabe yung pagod today and I really am looking forward to finally get some sleep. Humiga na ako sa tabi ni Agnes and covered myself with the blanket. Feeling ko tumama na rin yung beer and I am already blushing from the alcohol.
Nakahiga na ako sa kama and was using my phone nung naramdaman kong nilapit ni Agnes yung mukha niya sa kin at biglang bumulong si Agnes sa tenga ko. And she was too close that I instantly looked at her through my phone screen. Hindi na ako nakagalaw para man lang lumingon. I felt my heart stop. She was too close.
"Kantahan kita."she whispered.
I heard her strum and I waited for her song. Tapos bigla siyang kumanta ng Kabet kaya natawa ako. Kahit kelan talaga si Agnes. Natawa rin siya sa kalokohan niya pero tumuloy lang siya sa pagkanta.
"Aji!"
"Why?"
"Let me sleep." I chuckled. Natatawa siyang tumuloy sa pagkanta.
"Hay nako."sabi ko sa kanya tapos nung sinabayan ko siya natawa rin siya sabay napakamot na lang siya sa ulo niya.
"Okay, okay. I'll stop na so you could rest."sabi niya.
"Namumula ka na rin nga eh. Sleep ka na. I think tipsy ka na."sabi ko sa kanya.
"I'm okay."sabi niya tapos tinabi na niya yung ukelele niya at naghilamos.
Maya maya bumalik na siya sa kama at humiga na rin sa tabi ko.
"Sorry. Medyo maliit yung bed for both of us."sabi ni Agnes. "And magtataka naman si Mama kung dun ako hihiga sa sofa."
"Don't worry it's okay. Magkatabi naman na tayo kagabi."sabi ko sa kanya. Lasing na 'ata siya.
Narinig ko na inalis ni Agnes yung salamin niya and she just stared at the ceiling. Ano kayang iniisip niya?
"Aji."
"Hm?"
"I know na pinilit ka nila Papa, but would you spend New Year's Eve sa bahay?"
"Oo naman. Well I somehow forced you to come here eh, kaya spending New Year's Eve should not be an issue."sabi niya.
"Yeah, but ayoko naman ng ganon. Gusto ko na gagawin mo yun because you want to." Bigla siyang humarap sa 'kin kaya I suddenly held my breath.
"I am doing it because I want to. I want to spend all the holidays with you."