Di ko alam ano naisipan ko pero um-oo ako. Tumawag ako sa bahay para sabihin na kela Agnes ako magpa-Pasko. I was expecting my parents to get mad pero instead natuwa sila. Kailangan lang daw na sa New Year si Agnes naman ang isama ko sa bahay. Madali namang pumayag si Agnes and pumayag na rin si Tita Cy.
Kinuha lang namin ulit yung mga gamit ko at nagpaalam na kami kela Nicole. Nagdrive na rin si Agnes pabalik sa bahay nila, pero dahil malapit na mag-Pasko, sobrang traffic na sa kalsada. Nararamdaman ko na naiinis na si Agnes kasi malapit lang naman yung bahay nila pero dahil traffic halos malapit na rin mag-gabi. She wasn't complaining but she had this serious look on her face at halos magsalubong na yung dalawang kilay niya. So to try to calm her down, hinawakan ko yung kamay niya and intertwined my fingers with her. Nagulat siya and she looked at me then smiled.
"Relax. Sayang inis mo."sabi ko sa kanya. "Let's just enjoy this car ride." Tumango lang si Agnes and she smiled. Nakita ko naman na medyo nag-ease out na yung facial expression niya and she was already smiling.
Pagdating namin sa bahay nila, naka-ready na sila for Noche Buena. Pinasok lang ni Agnes yung mga gamit ko sa kwarto niya. Habang nag-aantay kami na mag-12, nanuod kami ng movie kasama si Cyril at si Malaya. Tinawag na kami para kumain. Natatawa ako kasi inaasar ni Tita Cy si Agnes na sulitin na namin kasi hindi nagluluto ang ate nila. Samgyup lang naman yung niluluto ni Agnes pero parang proud na proud si Tita Cy sa kanya. While eating, I suddenly missed my family. I normally spend Christmas with them and today's the first Christmas that I won't get to.
"You look sad."sabi ni Agnes habang umuupo siya sa tabi ko nung bumalik na kami sa sala.
"Wala, I... I just realized na this was the first time I'm not spending Christmas with my fam."
"Sorry."sabi ni Agnes.
"Uy hindi. Ano ka ba, okay lang. I just suddenly missed them. But I guess we need to get used to this."sabi ko sa kanya. She nodded.
"Yeah, well, part naman na kami ng family mo di ba?"sabi ni Agnes. I smiled at her and nodded.
"Oo naman."sagot ko then sinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Agnes as we continued to watch the movie.
"Wifey, don't be sad. Next year, let's spend Christmas with your family. Ako naman ang pupunta ng Laguna."sabi ni Agnes. I just smiled and nodded. Alternate na nga lang siguro.
"Or what if, every 25th, we'll spend it here, tapos 26th sa bahay naman?"tanong ko.
"Yeah we can do that too."
"Kaso mapapagod ka pala with driving."
"Kaya ko naman yun. And it's a small sacrifice. So I guess, since you're here, we'll spend New Year's Eve sa bahay niyo naman." I nodded.
Nung nakaramdam na kami ng antok, pumasok na kami sa kwarto ni Agnes para matulog. Sa totoo lang, sobrang pagod na talaga ako. Dun ko lang narealize na tabi pala kaming matutulog. At mukhang narealize din yun ni Agnes kasi bigla siyang tumigil sa may pinto.
"Sorry. I forgot to tell you na iisa lang yung bed. Kasya naman tayo, but, okay lang ba sa'yo? I can get a mattress para sa sahig na lang ako."
"Aji don't worry. Okay lang."sabi ko sa kanya then we made our way dun sa bed. Medyo madilim sa kwarto ni Agnes kaya hindi ko masyadong nakikita yung mga gamit niya pero nakita ko na may Funko Pop siya na Mulan sa may bed side table niya.
"I didn't know you like Mulan?"tanong ko sa kanya habang tinitingnan ko yung Funko Pop niya. "Akala ko si Merida paborito mo?"
"Well. I didn't like Mulan. Pero lately oo."sabi ni Agnes sabay tumabi siya sa 'kin.
"Nice. Alam mo favorite ko si Mulan."
"Alam ko."sabi niya.
"How did you know?"
"Come on wifey, ang tagal na natin magkasama sa condo. By now alam ko na kung anong favorite movie mo, favorite color mo, favorite Disney Princess mo."sabi niya habang natatawa. "Kahit nga favorite person mo kilala ko na rin eh."pahabol niya.
"Talaga? Sino?"
"Ako."
"Ang kapal talaga ng mukha mo."sagot ko sa kanya kaya natawa siya.
"So bakit mo nga nagustuhan si Mulan?"tanong ko kasi nakita ko nanaman si Mulan.
"Bakit mo ba tinatanong?"
"Wala curious lang ako. Kasi alam ko naman na si Merida favorite mo. Kaya nagtataka ako bakit bigla mong nabetan si Mulan."
Ayaw pa ring sumagot ni Agnes and for a split second akala ko tulog na siya. Kaya tumalikod na rin ako para matulog. Baka sobrang pagod din kaya nakatulog na lang siya bigla.
"Goodnight na Aji. Mukhang nakatulog ka na rin lang."sabi ko sa kanya, pero nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
"Ayoko naman talaga kay Mulan eh. But I bought her and placed her there..."
"...cause she reminds me of you."