At dahil halos tapos na yung ibang projects ko, nagkaron na rin ako finally ng oras para magpahinga. And medyo naguilty ako na sana free na si Agnes ngayon kung hindi ko binigay yung project sa kanya. Napilitan tuloy siyang pumunta ng Sagada para sumama sa shoot. Hindi ko alam kung nakarating na siya, or kung nasaan na siya, but I'm hoping na she's safe. Nalungkot lang din ako when I realized na wala pala siya sa birthday ko.
At dahil free na nga ako, mineet ko yung mga friends ko from high school. Lagi naman kami dati nagkikita, pero dahil sobrang busy, ilang beses din akong nagcancel sa kanila.
"Pachuchay!"sigaw ni Dawn habang patakbo pa siyang yumakap sa 'kin.
"Huy bongga ka. Ang jingjing mo."sabi ko sa kanya.
"Kumusta ka naman?"sabi niya habang naglalakad kami papasok sa resto.
"Eto maganda pa rin."sagot ko.
"Sikat na sikat ka na bakla! Grabe." I flipped my hair.
"Sus. Small things."
"Chuchay!"sabi ni Grace tapos bumeso rin siya sa 'kin. "Finally."
"Oo nga eh. Susko. Dami ko talagang ganap lately."sabi ko sa kanila. "Huy kumusta na kayo mga bakla?"
"Eto tanga pa rin. Ikaw nakagraduate ka na?"sabi ni Dawn.
"Syempre naman."
"Bakla ka, sobrang busy mo kay Nicole na lang kami nakikibalita tungkol sa'yo. Uy malapit na birthday mo ah."sabi ni Grace.
"Uy oo nga! Punta kayo sa bahay ah. May pa-catering si Mama."sabi ko.
"Ay bongga talaga si Tita. Tamang-tama kasi tingin ko may ipapakilala ka."sabi ni Dawn tapos ngumiti siya at tinaas-taas pa yung kilay niya.
"Hoy. Kung ano man yang chinika sa inyo ni Nicole, hindi yun totoo okay?"
"Sus. Kabogera ka talaga ng taon Pachuchay! Di mo man lang kami sinabihan."sabi niya.
"Ano namang dapat kong sabihin eh hindi naman totoo yun."
"Wala pa nga kaming sinasabi eh."
"Naku tigilan niyo nga ako. Matagal na tayong friends. Tingin niyo palang dalawa alam ko na tumatakbo sa mga utak niyo."
"Wala ka bang picture man lang dyan?"sabi nila.
"Kilala niyo na yun at sikat naman siya. Hindi ba nagbigay ng pangalan si Nicole?"
"Ayaw nga mag-name drop ni bakla. Tanungin ka na lang daw namin."sabi ni Grace. "Teka. Iba pa to sa college landi mo di ba?"
"Grabe sa college landi. Pero basta. Hayaan niyo na yun at hindi naman yun totoo."
"Hindi totoong jowa mo siya o hindi totoong bet mo siya?"
"Hoy. Sa pareho. Hindi ko siya bet kaya hindi ko siya jowa."
"Sus Chuchay, ako pa ba chacharotin mo? Aba dapat ipakilala mo muna sa 'min yan para alam namin kung pasado."
"Ay may pa-audition kayo?"
"Dami mong hanash Pachuchay. Basta ipakilala mo sa 'min yan! Or isama mo siya sa lakad natin."
"Sige pag may ganap tayo ulit."
"Ay actually meron. Aayain ka nga sana namin mag-Pangasinan baks."
"Luh. Kelan naman yan?"
"Wala pang date. Pero syempre adjust kami sa'yo kasi nakakahiya naman sa pagkabusy mo. Sama mo si jowa ah."
"Mga bakla kayo hindi ko nga siya jowa. Hindi kami pwedeng magkasama kasi pareho kaming busy."
"Keri yan bakla. Magsasabi kami kay tito."
"Hoy mga bakla kayo. Wag niyo na idamay si Dad dito. Sige na titingnan ko kung keri."
"Yan! Hindi ko alam kung saan ako excited eh. Kung sa alis natin o na mameet namin si jowa."
I rolled my eyes. Saan ba kasi nila napulot na jowa ko si Agnes?