Nagre-ready na ako paalis nung bigla akong nakatanggap ng message galing kay Agnes. When I opened it, nakita ko na nagpadala siya ng picture na nakaupo siya sa tabi ng pool habang naliligo si Lia. Naalala ko na nakwento niya na hindi siya marunong magswimming. Nasa condo sila ni Jun sa Fairview simula pa nung isang araw and mukhang sinusulit ng mga kapatid niya yung pool.
Langoy ka din Agnes, di ka malulunod dyan. •
• Gagu hahaha
Natawa tuloy ako. I tried to compose myself tapos nag-selfie din ako at pinadala ko kay Agnes.
Baka kasi makalimutan mo na itsura ko. •
• Kintab ah.
Shine Jesus shine yan erp. •
• HAHAHAHA see you later wifey.
I can already imagine Agnes laughing at bigla ko tuloy siyang namiss. Somehow each day that I don't see Agnes makes me miss her so much. I texted Agnes again pero mukhang di na niya nabasa kasi hindi na siya nagreply but I didn't mind since magkikita rin naman kami.
I just ate breakfast at medyo nag-ayos sa condo, tapos nagdrive na rin ako pauwi ng Laguna ngayon. Si Agnes at yung pamilya niya dun na sa Fairview magmumula para sabay-sabay silang pumunta sa bahay. Hindi ko alam kung anong i-eexpect ko sa dinner na 'to.
Pagdating ko sa bahay, andami na naming kamag-anak na nando'n. Nakakaloka talaga sila Mama. Akala ko intimate dinner lang pero ang daming bisita. Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at sakto naman pagbaba ko, dumating na rin sila Paolo.
"Pasok kayo."sabi ko sa kanila.
"Ano bang ganap today Patty?"sabi ni Migs.
"Wedding day dapat namin today, and ayan, nasobrahan sila sa planning, eh di hindi napacancel. Kaya ayan, push na lang sa dinner."sagot ko.
"Eh nasa'n si Agnes?"
"Papunta palang. Sinundo family niya." Pero right on cue, dumating na rin siya.
"I swear we can summon her."sabi ni Jam kaya ako natawa.
"Uy. Andito na kayo."sabi ni Agnes tapos bumeso siya sa Bens. Medyo nagulat pa ako nung lumapit din siya sa 'kin at bumeso. Pero naisip ko na kasama niya nga pala kasi sila Tita. Nakita ko na natigilan din yung mga kabanda namin.
Pinakilala lang ni Agnes yung family niya sa Bens tapos pumunta na sila sa mesa nila. Kami naman, umupo na lang din kami sa mesa kasama ng banda. Buti na lang din at nakahiwalay kami ng mesa kasi andaming tao. Hindi ko alam kung ano bang plano ng mga magulang ko.
Pero it was really just like a normal dinner. Buti na nga lang at nagpaset-up yung parents ko ng videoke kaya medyo may nagagawa yung mga bisita. Natigil lang nung nagpropose ng toast si Mama.
Narinig ko lang yung mga tunog nung baso and kahit yung band nakipagtoast sa 'ming dalawa. I looked at Agnes and we were both just holding each other's hands kaya I just pressed on to it lightly to ask her if she's okay, and she responded with a light press as well and a smile. Bumitaw na rin kami sa isa't isa nung tinawag na kami para kumuha ng pagkain. I don't even remember why we were holding hands in the first place.
"Alam niyo, I'm still surprised by how well your parents have accepted both of you."sabi ni Toni habang kumakain kami.
"I am very much surprised by their rash decision for everything."sabi ko sa kanya. Natawa si Agnes.
"Si Pat talaga may kasalanan ng lahat ng 'to eh."sabi ni Agnes. I rolled my eyes.
Maya maya tinawag kami ni Papa sa harap. Ano nanamang naisipan nila?
"Sa mga andito at hindi pa kilala si Agnes. This is Agnes, she's working sa company namin and also Pat's bandmate. I'm sure you've heard of their band."sabi ni Papa. I saw nodding heads.
"Well, anyway, we haven't really said this yet, but Agnes,"sabi niya kaya napatingin kami ni Agnes sa kanya.
"Welcome to the family."sabi ni Dad. I smiled at him at niyakap ko siya. He just gave me a light kiss on the head.
"KISS!!"
Bigla akong napabitaw kay Papa nung narinig kong may sumigaw habang si Agnes naman muntik ng mabuga yung iniinom niyang wine.
"Hoy."sabi ko. Hindi ko alam sinong sumigaw nun. But nakita ko how distressed the band looked. Siguro dahil alam nilang hindi naman talaga kami ni Agnes. And we are now being displayed here like a show.
"Oo nga naman. Isa lang."sabi nung mga tito ko. Gusto kong manakit. Nakangiti lang si Papa habang nakatingin siya sa 'min ni Agnes na parang nag-aantay lang din siya.
"O awat na."sabi ni Papa sa mga bisita namin. "Let's leave the kids be."
"Next time na po."sabi ko pagtapos kong kunin yung mic kay Papa.
"KJ!"sabi ng mga pinsan ko. I swear kung pwede lang makapatay ng kamag-anak matagal ko na sigurong ginawa.
Inubos ni Agnes yung laman ng baso niya tapos lumapit siya sa 'kin. Sasagot pa sana ako nung naramdaman kong may dumikit sa pisngi ko. It was too fast pero sure ako na it wasn't a kiss. I think Agnes brushed her nose against my cheek para lang tumigil sila.
It wasn't a kiss pero somehow it caught me off guard and I just stood there frozen. Gahd Reoma.