Naglakad pa kami ng ilang minuto hanggang sa pumasok kami sa isang village at huminto si Agnes sa bahay nila. Medyo nahuli kaming pumasok nila Dawn, kasi mukhang tinubuan din sila ng hiya. Papasok na sana kami nung sinalubong kami ni Tita Cy.
"Tumuloy muna kayo ng mga kaibigan mo. Pasok kayo."sabi ni Tita Cy.
"Nabanggit ni Agnes na nagkita daw kayo at nakabakasyon ka nga daw dito. Pasok kayo, i-aayos ko lang yung almusal."sabi niya habang pumapasok kami. Habang nasa sala kami, tinitingnan ko yung isang wall nila na may mga nakasabit na mga medals.
"Kay Agnes lahat yan."sabi ni Tita Cy nung napansin niyang tinitingnan ko yung mga medals. "May mga hindi pa nakalabas kasi hindi na kasya."dagdag niya. I smiled habang napatingin ako kay Agnes na parang nahihiya sa achievements niya.
"I know. I'm a nerd."sabi niya in defeat. Napangiti lang ako tapos sakto naman pinatawag na rin kami para magbreakfast.
Pinakilala lang ni Agnes isa-isa yung mga kapatid niya and dun ko nalaman na siya pala yung panganay and nakakatuwa na lahat sila musically-inclined and I guess influence ni Tita Cy. And meron siyang kapatid na may banda rin tapos may mga kapatid siya na duo naman na nagpe-perform dito sa Baguio. And Agnes being the supportive ate, inaya niya kami na panuorin performance nila. Natuwa ako kasi ang dami nila. Parang ang saya kapag marami kayo sa bahay.
Nagluto lang si Tita Cy ng specialty niya tapos pinaghanda naman kami ni Agnes nung coffee niya. Sobrang namiss ko yung coffee niya kaya sobrang laki ng ngiti ko nung inabot niya sa 'kin. Kasi naaamoy ko palang, sobrang natutuwa na agad ako.
"Grabe naman po yung ngiti nung isa dyan."pang-aasar ni Dawn.
"Hindi, kasi namiss ko yung coffee ni Agnes."sabi ko sa kanya.
"Coffee ko lang?"sabi niya kaya bigla akong napalingon sa kanya. Napalakas pala sagot ko kay Dawn.
"Fine, ikaw na rin."sabi ko kay Agnes kaya ngumiti siya.
"I'm so proud of you."bulong ni Nicole. "Ang harot mo na." I rolled my eyes.
Nakipagkwentuhan lang din sa 'min si Tita Cy and natatawa ako kasi kinukwentuhan niya kami tungkol kay Agnes. Si Agnes naman sobrang namumula na and feeling ko gusto na lang niya lumubog sa lupa. Habang kumakain kami, I realized how different Agnes as an ate is. Usually Agnes is this annoying person, pero Agnes being an ate is nicer and protective. Ang cute nga nilang magkakapatid eh.
After ng breakfast, tinulungan lang namin silang magligpit nung mga pinagkainan namin. Nakakahiya kasi na nakigulo pa kami sa bahay nila.
"Saan pala kayo pupunta after?"sabi ni Agnes.
"Hmm... we might go to Burnham. Mag-iikot dun."sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.
"Aji. Ihatid mo sila sa Burnham, baka mamaya maligaw sila."sabi ni Tita Cy.
"Hindi na po. Okay lang naman kami tita. Para di na rin mapagod si Agnes."
"Okay lang yan. Sanay naman yan maglakad-lakad."sabi niya.
"Malaki na yan Ma. Kaya na niya sarili niya."sabi ni Agnes.
"Maristella, be polite. Ihatid mo sila. Tapusin mo na yang ginagawa mo para di na sila madelay."sabi ni Tita Cy.
"Tricia, pwede ka bang makausap sandali?"