Ilang araw nang hindi tumatawag si Agnes at nagtataka ako kung bakit. Hindi rin siya nagmemessage sa 'kin. Nung nagring yung Messenger ko, nagulat ako na si Charlie yung tumatawag.
"Uy Charlie."
'Yun! Sa wakas naabutan din kitang online. Kumusta dyan? '
"Ito malamig kaya lagi akong may sipon."
'Uminom ka ng meds mo ah. Magvitamins ka and magjacket ka.'
"Yes po."sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.
"Uh Charlie, kumusta ba dyan? Sa office kumusta?"
'Same old. Malungkot kasi wala ka.'sabi niya. Napangiti tuloy ako.
"Aba."sabi ko sa kanya. "Ay.. ano... uh. Umaakyat ka ba sa floor namin? Nakita mo ba si Agnes dun? Hindi kasi siya sumasagot sa email ko."
'Ah alam ko, wala kasi siya eh. Sabi ni Sasha parang nagbabantay sa ospital.'
"Wow. Updated si Sasha kay Agnes."
'Ewan ko ba dun. Stalker talaga ni Agnes yun eh.' Natatawang sagot sa 'kin ni Charlie.
"Pero sinong nasa ospital? Kapatid niya?"
'Hindi ko alam eh. Parang ano...'sabi ni Charlie tapos nag-isip siya.
'Ayun. Raisa yung pangalan.'
Nung narinig ko yun, hindi ko alam kung bakit biglang uminit yung mga tenga ko.
'Sino ba yun? Kapatid niya? 'sabi ni Charlie.
"Hindi mo ba kilala si Raisa? Bassist siya ng SUD."sagot ko.
'Ah talaga? Hindi eh. I'm not so much into OPM. Pero ano siya? Kaibigan ni Agnes? '
"Ex."
Natahimik si Charlie at kahit ako, hindi ko alam kung bakit parang uminit yung mga tenga ko at nawala ako sa mood. Kaya pala hindi siya nagpaparamdam.
'Pat. Huy. Nag-lag ka 'ata.'
"Ay sorry."sabi ko kay Charlie. May mga tinatanong si Charlie pero feeling ko tumatango lang ako sa kanya at hindi ko na naiintindihan mga sinasabi niya. Mainit pa rin yung tenga ko.
'Alam mo, baka pagod ka na. Lutang ka na eh. Late na 'ata dyan. Pahinga ka na. Goodnight Pat.' sabi ni Charlie habang natatawa siya.
"Sige. Goodnight. Bye."sabi ko sa kanya.
Now it makes sense. Siguro nga abala si Agnes kay Raisa kaya hindi niya na ako naalalang tawagan. Baka they have finally reconciled. Mainit pa rin ang mga tenga ko. Siguro pagod na nga ako.
Late na rin nga siguro.