Part 45

322 8 0
                                    

"Sira."sabi ko sa kanya sabay siniko ko siya pero natawa lang siya.

"Totoo naman ah. We're both in denial of our situation na we're bound to get married soon."sabi niya. Napailing na lang siya.

"Akala ko ba you have a plan?"tanong ko sa kanya.

"I did. I still do. But now I'm not sure if it's still going to work."sabi niya.

"Sana kasi sinasabi mo sa 'kin anong plano mo para naman matulungan kita di ba?"

"One day. You'll find out about it."sabi niya. Kinakabahan ako everytime sinasagot ako ng ganon ni Agnes cause somehow I feel na wala talaga siyang plano.

Hindi ko alam saan ako mas kinakabahan eh, sa idea na wala siyang plano, sa idea na ikakasal kami, or sa idea na at some point, we agree to push through with this. Minsan naiisip ko na maybe marrying Agnes is not such a bad idea, but thinking ahead, maiisip ko din na I don't think I can force myself into that.

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako or anong nangyari pero naramdaman kong binuksan ni Agnes yung passenger door at dahil nakasandal ako dun, muntik na akong mahulog kaya biglang nagising yung diwa ko. Pero buti na lang nakatayo si Agnes dun sa may pinto kung hindi derecho ako sa sahig.

"Ano ka ba! Bakit di mo muna kasi ako ginising?!"sigaw ko sa kanya habang inaayos ko yung balanse ko.

"Ikaw gabi na nang-aaway ka pa. At ginigising kita kanina pa. Di ka nagigising dyan. Sarap ng tulog mo kasi eh. Naghihilik ka na nga dyan. May pagsabi ka pa sa 'king di mo 'ko tutulugan."sabi niya ng natatawa habang tinutulungan niya rin ako. Totoo naman. Sabi ko di ko siya tutulugan pero ewan ko, siguro nga nakatulog din ako.

"Palagi ka na lang nahuhulog sa 'kin wifey ah."dagdag niya.

"Susko Agnes gabi na. Wala na akong energy para sagutin yung sinabi mo."sabi ko sa kanya. Natawa na lang si Agnes.

"Grabe. Kapagod 'no? Pwede bang magleave muna?"sabi niya.

"Huy hindi pwede. May townhall tomorrow kaya mandatory na all departments to be there." She sighed.

"Wala bang I'm-the-daughter-of-the-owner-card?"

"Meron. Pero you do realize na that meant only me, right?" Napakamot na lang siya sa ulo.

"Well, mukhang marami-raming coffee pala i-prep ko ah."sabi niya. Natawa tuloy ako.

Tinulungan niya lang din akong ibaba yung mga gamit ko mula sa kotse at paakyat sa condo. Grabe, may pasok pa kami mamaya. Malamang nito bangag kami. Pinanuod ko lang siyang mag-ayos nung mga gamit namin. Nilagay niya yung piano malapit sa balcony para daw maganda yung view at para daw maririnig niya ako pag tumutugtog ako.

"Wifey."

"Hm?"

"Matulog ka na. Ako na lang bahala dito."sabi niya.

"Sure ka?" Tumango lang siya kaya nagready na ako para pumasok sa kwarto.

"Agnes."

"Yes?"

"You were amazing today."sabi ko sa kanya. Nakita ko na ngumiti siya.

"You did great today too wifey. See you in the morning."

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon