Part 108

408 6 0
                                    

Pero parang biglang nawala yung antok ko nung nakita kong tumutunog yung phone ko at nakita ko na tumatawag si Agnes. Aba anong himala?

"Ano nagkabalikan na kayo?"sabi ko sa kanya. I tried keeping my voice low pero mukhang hindi ako successful.

'Hello din sa'yo.' sabi niya. 'Bakit ba ang init ng ulo mo? Ilang araw lang akong hindi nagchat di ka na marunong mag-hello.' dagdag niya habang natatawa.

"Tigilan mo ako ah. So ano? Hindi ka pala pumapasok?"

'Wow, so ina-attendance check mo na ako? '

"Alam mo kung wala kang sasabihing matino, ibababa ko na lang 'to."

'Teka, teka. Ano bang sinasabi mo? Anong nagkabalikan na ba kami? '

"Don't play dumb with me. Alam kong ikaw ang bantay ni Raisa kaya pala hindi ka pumapasok."

'Wait. How did you know na nasa ospital si Raisa? 'tanong niya kaya biglang naging seryoso yung tono niya.

"O di ba? You know exactly what I'm talking about."

'What? Teka ang labo mo. Okay. Fine. Dinala ko siya sa ospital pero it's not just me. Kasama ko yung bandmates niya and kasama rin yung mga taga Runway Hits.'

"Isang linggo? Nagsugod ka ng isang linggo?"  Nararamdaman ko na umiinit na rin yung mga pisngi ko. Ewan ko kung bakit parang galit na galit at iritable akong kausap siya. Tumataas na rin yung tono ko sa inis sa kanya.

'Wait. Are you jealous? ' sabi niya.

"Alam mo wala naman akong paki sa'yo. So kung gusto mong balikan si Raisa, wala akong paki. Gusto mong tumira sa ospital kasama siya, wala akong paki. Bakit ka ba tumawag?!"

'Teka nga muna. Sino ba kasing nagsabi sa'yo nyan? It's not true okay? '

"Anong it's not true eh kakasabi mo lang na dinala mo siya sa ospital. Hay nako Agnes. Gabi na. Wala akong oras sa'yo. Sagutin mo na lang yung mga email ko sa'yo at urgent yun."sabi ko sa kanya.

'Wait, wifey. Teka la--'

Naiinis talaga ako sa kanya. Hindi ako mapakali kaya tinawagan ko si Nicole para hindi rin ako ma-contact ni Agnes.

'Yes baks? '

"Alam mo napakalandi talaga nyang si Maristella."

'Susko naman bakla. Tumawag ka talaga sa 'kin para sabihin yan eh matagal na natin yang alam. Miss mo ba ako? '

"Miss kita pero hindi yun ang point ko."

'Ay may gigil. Ano nanaman problema mo baks? '

"Hindi siya pumapasok di ba?"

'Ay oo. Nakaleave siya ng 1 week. Ano namang kinalaman nun? '

"Bakla hindi siya pumapasok dahil nagbabantay siya kay Raisa sa ospital!"

'Susko Patricia. Could you please stop acting like a jealous girlfriend? 'sabi ni Nicole.

"Hoy excuse me. Hindi ako nagseselos."

"BAKLA. UTANG NA LOOB. Hindi mo pa rin ba gets? First time mo bang makaramdam ng selos bakla? "

"Hindi nga ako nagseselos!"

'Ay sige bahala ka na kung anong gusto mong paniwalaan bakla pero yung usok ng ilong mo kita ko dito. Pero sino ba kasi nagchika sa'yo nyan bakla? '

"Basta."

'Nako baks. Sabihan mo yang source mo na kung bet ka lang nyang inisin, effective. Kasi hindi naman nakaleave si Agnes dahil dun.'

"Ano?"nagtatakang tanong ko sa kanya.

'O gulat ka? Hindi ba sinabi sa'yo ng jowa mo na birthday ng nanay niya? Umuwi siyang Baguio. Pero bago yun may gig ang SUD nung isang gabi. Nanuod ata sila ng mga kabanda niya eh biglang natumba si Raisa, dinala nila sa ospital."sabi ni Nicole.'

"Teka. Akala ko siya bantay ng isang linggo?"nagtataka kong tanong kay Nicole. Kaya pala sabi ni Agnes kasama niya yung mga bandmates niya at sinasabi niya na hindi totoo yung sinabi sa 'kin.

'Bakla, sino bang nagsabing bantay siya ng isang linggo? Nasa Baguio jowa mo. Papasok na daw siya next week sabi ni Jam. Susko Patricia. Umuwi ka na dito para hindi ka pringles sa jowa mo. Bantayan mo hanggang gusto mo.'

"Hindi ko siya jowa. At mas lalong hindi ko siya para bantayan."

'Hay nako baks. If I didn't know Agnes better, baka naniwala din akong nagbantay siya kay Raisa. Pero baks, Agnes is always up all night para lang makausap ka. Siguro naman hindi na rin masama na makatulog siya ng normal kahit isang linggo lang.'

Bigla akong nahiya nung narealize ko na simula nung nagstay kami dito sa U.S. araw-araw nga halos kaming magkausap ni Agnes and minsan late na para sa kanya pero hindi siya nagrereklamo. Tapos ngayon, inaway ko pa siya.

'Sino ba kasi nagchika sa'yo nyan? At bakit hindi mo na lang kasi tinanong si Agnes? '

"Eh kasi sabi ni Charlie, sabi daw ni Sasha, si Ag--"

'Ayan. Dun ka talaga naniwala sa dalawa? Sana tinawagan mo si Agnes. Hindi naman magdedeny sayo yun eh. At di ba nag-usap na tayo bakla? Time-off habang andyan ka? Tapos ano? '

"Oo na nga baks. Ako na nga ang mali."sabi ko sa kanya.

'O. Tawagan mo na yung jowa mo at mag-sorry ka. Kaloka ka baks. Sige na. Goodnight.'

Binaba na ni Nicole yung call. Pagtapos kong tawagan si Nicole, pumunta ako sa kwarto nila Papa at napansin kong wala dun si Mama.

"Dad?"

"O, bakit?"

"Birthday ba ni Tita Cy?"

"Uh... oo yata. Ask your mom. Nasa lobby siya."sabi ni Papa. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali kaya bumaba din ako para hanapin si Mama. Nakita ko na mukhang may ka-video call siya pero lumapit pa rin ako. Hindi pa ako masyadong nakakalapit pero narinig ko na yung boses ni Tita Cy.

"Ay tamang-tama andito si Tricia. Tricia, hinahanap ka ng Tita Cy mo."sabi ni Mama kaya lumapit ako sa kanya.

'Ayan, anak. Sorry di kami nakapunta nung birthday mo ha. Alam mo naman si Agnes kasi nasa Sagada nun.'

"Ah okay lang po yun tita."sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya kasi di ako sure kung birthday niya but I took the risk.

"Happy birthday po pala."dagdag ko.

'Ay. Thank you.' sabi niya tapos binalik ko na kay Mama yung phone niya pero hindi ko pa nababalik sa kanya, nagsalita ulit si Tita Cy.

'Aji. Halika dito, mag-hello ka man lang sa Tita Emily mo.' sabi niya kaya bigla akong natigilan at mukhang nagulat din si Agnes nung nakita niyang andun ako.

'Hello po tita.'

"O Agnes, buti naman at nakauwi ka na pala ng Baguio."sabi ni Mama.

'Ah opo.' sagot niya.

'Oo, nagulat nga ako at biglang umuwi nung Linggo. Tuwang-tuwa nga mga kapatid niya. Eh buti rin andito siya kasi nawalan kami ng internet, ayun siya na rin nag-asikaso.' dagdag ni Tita Cy. Feeling ko nabuhusan ako ng tubig sa narinig ko. I looked at Agnes and she was smirking.

'Sige po tita, may gagawin pa po ako.' sabi ni Agnes tapos umalis na siya.

Binalik ko na rin kay Mama yung phone niya at bumalik na ako sa kwarto namin nila Bea. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba si Agnes para mag-sorry o magme-message na lang ako sa kanya.

Paano ba 'to?

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon