Part 175

407 4 0
                                    

Masyadong mabilis yung araw at dahil fresh from the holidays, tambak din kami ng trabaho pagbalik. Sa sobrang tagal naming nawala, halos di ko na rin maintindihan anong uunahin.

And I guess hindi rin masyadong nakakatulong sa stress ko yung fact na out of town nanaman si Agnes for another project. Halos hindi na rin kami nagkikita kasi late na siya nakakauwi, samantalang maaga naman akong umaalis. Hindi rin siya sa 'kin tumatabi kapag late siya nakakauwi kasi baka daw magising niya ako. Ngayon ko nararamdaman na gusto ko munang ihinto yung oras at yakapin na lang si Agnes. I'm literally exhausted, stressed, and restless.

"Baks."

"Yes?"

"Wala kang date tonight?"sabi ni Nicole.

"Ha? Waley. Bakit? Anong meron tonight?"

"Wala daw kasi dito yung gusto niyang kadate kaya kinalimutan na lang niya yung araw today."sabi ni Alex.

"Ha? Wait, anong araw ba ngayon?"

"Valentines ngayon baks."

"Talaga? Eh, wala. Wala akong date. And okay lang naman. Social construct lang naman ang Valentines."

"Pait yan?"sabi ni Nicole sabay turo sa mug ko.

"Hindi. Matamis yan. At di ako bitter. Eh ano naman kung wala akong date today."sabi ko sa kanila.

"Pait nga."sabi ni Ria.

"Bakit ba andito nanaman kayong tatlo?"

"Kalma ka lang madam. Aayain ka lang sana namin kumain sa baba para magmeryenda. High blood ka nanaman dyan."sabi ni Alex.

"Wala kasing inspiration si bakla kaya mainit ulo."

"Hoy, hindi ah. Busy lang talaga ako. At halos kakatapos lang ng lunch nagugutom na kayo? Tara na nga sa baba. Dami niyong hanash dyan eh."sabi ko sa kanila.

Habang nasa elevator kami, napansin ko na ang daming may dalang flowers. Ito talaga ang nakakaasar sa Valentines. Akala mo laging may contest para sa pagandahan ng dalang bouquet.

"Nakakaasar talaga pag Valentines. Kailangan bang ibandera yung mga bouquet?"sabi ko paglabas namin ng elevator.

"Madam candy."sabi ni Ria sabay inaabutan niya akong candy.

"Bakit?"

"Para tumamis naman ng konti panlasa mo. Pait eh."sabi niya. I rolled my eyes.

"Hindi nga ako bitter okay? I mean, di naman kailangan bitbitin yung flowers everywhere."sabi ko.

"Bakla, kung wala silang sasakyan, wala silang choice kundi bitbitin yan. Ano ka ba."sabi sa 'kin ni Nicole.

Pumasok na kami dun sa coffee shop at habang namimili ako ng oorderin ko, biglang may lumapit sa 'kin at humarang sa harap ko. Pagtingin ko...

Nagulat ako na andun si Charlie.

I'm Marrying ReomaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon