🏰GLYDEL🏰
Busy pa rin ako sa pagtatrabaho dahil talagang kasing dami ng basura sa payatas ang paper works ko. Sobrang dami kong tinatrabaho at wala na akong oras para sagutin ang sunod-sunod na tawag na narereceive ko.
Mabuti na lang nandiyan si Eugene...
Una ang sa MO at sa iba pang mga brands. Ikalawa ang tungkol sa pag-eexpand overseas. Meron naman na kaming branch sa ibang bansa, pero sa dami ng bansa sa mundo talang puputi ang buhok ko, bago ko matapos. Ikatlo ang mga potential investors at shareholders pa. May meeting pa lahat stockholders tapos boardmembers.
Sige lang Boa...
Absent pa!
Kinginuh kang tamad ka!
"Ano sis? Kaya pa?" Tanong ni Eugene. "Pahinga ka na, tutal malapit na mag-lunch." Sinulyapan niya ang relo niya.
Napapikit ako dahil naalala kong sasabay pala ako kina Nguso mag-lunch. "Eugene pakitawagan si David, pakitanong kung nasaan na sila."
"Okay," sumunod siya kaagad sa sinabi ko. Naghikab ako dahil inaantok na rin ako, pero hindi ako pwedeng matulog. "Nasa mall na raw. Hinahantay na lang daw nila si Reiven."
"Okay," tumango ako at sinulyapan ang orasan. "Kaya mo 'yan Boa." Tinapik-tapik ko ang balikat ko. "Mayabang ka naman eh."
Tinawanan ako ni Eugene. "Mahirap pa lang maging mayaman."
"Naman," kinuha ko na ang folder at binasa ang nakasulat. Nabasa na rin 'to ni Michael pero siyempre iba pa rin kung babasahin ko. Baka mamaya ninanakawan na pala ako ng baklang 'yon.
Muling lumipas ang oras at doon lang umikot ang buhay ko. Basa, pirma, arrange tapos basa ulit hanggang sa huling hininga ng aking buhay.
Pagod na ako...
"Uy Queen G, lunch na." Paalala sa akin ni Eugene. Natawa ako dahil ginagaya na niya 'yung tawag sa akin ng mga kaibigan kong bakla. 'Queen G' ang tawag nila Michael sa akin. 'Chairwoman G' or 'GDV' naman sa iba.
"Tara na," yaya ko. Iniwan kong nakatiwang-wang lahat 'yon doon. Kinuha ko na ang bag ko at sinuot ang sapatos ko. Nakatsinelas lang kasi ako sa loob. Muntik na akong mapasigaw dahil bigla na lang pumasok ang grupo ng mga kabaklaan sa opisina ko. Sigurado ako, sinuhulan na naman nila ang mga bodyguards ko. "Anong ginagawa ng mga berde rito?" May dala-dala silang mga pagkain.
"Siyempre magcecelebrate ang sangkabaklaan sa pagbabalik ng Reyna," sabi ni Ziggy. Inilapag niya sa mesa ko center table 'yung mga pagkain. "Queen G ano na? Bwiset ka talaga! Dahil sa 'yo hindi na ako pinapansin ng mga boylet ko rito. Kaimbiyerna ka."
"Queen G namiss kita." Yumakap sa akin si Martha, bakla din. Nakigaya ang sangkabaklaan kaya pinalibutan ako ng mga b*yag.
"Ano ba?!" Reklamo ko. "Ang babaho niyo!" Naghalo-halo ang mga pambabae nilang amoy. "Ang sakit sa ilong."
"Sorry naman Queen G," sabat ni Jasmin. "Tara na lafang na. Nasa'n na ang baklang Michael?"
"Te iba na ang kinakain," ani Martha sabay tawa.
"Hindi ako pwede." Napalingon sa akin ang mga berde. Si Eugene nakatayo lang sa gilid dahil nahihiya pa, pero mababakas ang paghanga dahil lahat ng mahuhusay at malalandutay na designer ay nandito. Maliban kay Michael na mukhang may pa red carpet pa.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Tiểu Thuyết ChungContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21