🏰LUKE🏰
Sobrang nadisappoint ako sa naging resulta ng game. Siyempre, nakakadisappoint naman talaga ang matalo. Pero kung malungkot kami, alam kong mas malungkot ang crowd dahil talo kami. Ito yata ang unang beses na natalo kami sa unang game namin. Madalas kasi kaming twice to beat dahil wala kaming talo. But not this time...
I failed...
Ang hirap manalo...
I'll admit, bothered talaga ako sa presence ni Sean. For sure, nagdidiwang na ang kupal na 'yon ngayon, dahil talo kami. Hindi ko siya pwedeng sisihin sa pagkatalo namin, dahil unang-una sa lahat, kami naman ang naglaro. Ikalawa, wala naman siyang ginagawa aside from watching and of course, backstabbing.
Pumasok na kami sa quarters at dumiretso sa locker room namin. Ibinaba namin ang mga gamit namin at inayos muna pansamantala. Lahat kami ay tahimik, walang nagsasalita o maski tumatawa man lang. Alam ko nadisappoint din sa amin si Coach, lalo na sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n ako. Kapag hawak ko na 'yung bola naghehesitate pa rin ako kahit ayaw ko. Siguro nga tama sila...
Duwag ako...
Sorry...
Naupo si Coach sa gitna namin. Nakapalibot kaming lahat sa kaniya habang nagpapahinga. Pinatay din ang aircon dahil lahat kami ay pagod. "Unang laro pa lang 'yan. Hirap na hirap na tayo. Foregate pa lang 'yon. May, Western Valley pa, St. Anthony, may Camp Bell pa." Inisa-isa niya 'yon sa daliri. "Hindi naman sa dinadown ko kayo pero kung ganiyang laro ulit ang ipapakita niyo sa mga susunod na game, eh baka tayo nga ang unang malaglag niyan." Hindi kami nakaimik. Iniisip ko pa lang na malalaglag kami, naiiyak na ako. "Nadisappoint ako," he added. "Lalo na sa 'yo Luke." Tinuro niya ako.
Mas lalo akong nanlambot. Aminado ako sa part na 'yan dahil maski ako hindi kuntento sa pinakita ko. Oo nakascore ako, double digits pa nga. Pero 'yung galaw? Kulang talaga...
May mali eh...
"We lack in everything," pagpapatuloy ni Coach. "Both offense and defense, ang dami niyong turnovers. I know na nakakawalang gana maglaro kapag tambak na, but hindi 'yon sapat para pabayaan niyo ang bola. Mas okay 'yung matalo ng ilan lang ang lamang, kasi pwede mo pang sabihin na tsamba lang. Pero 'yung 13? Matagal na akong Coach, and ngayon lang sa akin nangyari 'to alam niyo 'yan. Magkakasama tayo since then. Ayusin niyo 'to, lalo ka na Luke, ikaw ang Kapitan. Compose yourself, you should be the one whose leading your teammates. Ikaw ang dapat nagpapalakas ng loob nila. Baliktad ang nangyayari, ikaw ang chinicheer nila. Lagi kang distracted, ano bang problema?"
"Wala po, kabado lang." Diretsahang sagot ko. 'Yon naman kasi talaga ang totoo.
"I know napepressure ka dahil nando'n si Jacobe. Nakita ko 'yon kanina panay ang ngisi. Pinanonood pa lang kayo plakda ka na? Paano pa kung makalaban natin 'yon? Ha? Alcantara? Magtatago ka sa locker room dahil takot ka? Hindi pwede 'yon Luke."
Hindi ako makasagot dahil alam kong may mali talaga ako. Ang dami ko kasing sinayang na tira kanina, pwede kong ishoot pero pinapasa ko pa sa iba.
"Tama si Coach," sabat ni AC Gab. Nakatayo siya sa likod ni Coach Limer habang nakakrus ang braso. "Kapag hawak niyo na 'yung bola at alam niyong kaya naman, ishoot niyo. Walang masamang maging mapagbigay sa kakampi, ang kaso sa sobrang bigay niyo sa kakampi nagpapasa-pasahan na lang kayo. Tignan niyo kanina, naubusan kayo ng shotclock. Sayang oras 'di ba? Kung shinoot niyo 'yon, kahit papaano may chance pang makapuntos."
"Exactly," ani Coach Limer. "Iwasan niyo 'yong gano'n. Bukod sa nasasayang ang oras, sayang din ang pagod. Tayo ang naghahabol pero kayo pa 'yung nagsasayang ng time."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21