Chapter 275: HATID

94 10 1
                                    

🏰DARYLLE🏰

Ayaw pa talaga namin umuwi ni Ate, dahil nag-eenjoy pa kami. Ewan ko ba rito kay Mama, bigla na lang nagyaya. Ang aga-aga pa naman eh, pwede naman kaming umuwi kahit mga 5, 'yon nga lang traffic na. Nandito kami ni Ate sa suite ni Tito Tonton. Dito kasi naiwan ang mga gamit namin.

"Tara na," yaya ni Ate. Binitbit na niya ang mga gamit niya. Just like me, ayaw niya pa ring umuwi. Pero wala kaming magagawa, dahil utos ni Mama eh. "Nakakainis ang saya-saya pa rito eh."

Totoo naman 'yon, nakadagdag pa sa mga nakakatuwa 'yung magkapatid. Si Kuya Manolo at si Kuya Bradley. Ngayon ko lang nakita ang tunay na Kuya Reiven. Sobrang kulit niya pala talaga, as in, sobra talaga. Lalo na kapag kasama niya 'yung magkapatid. Para silang mga bata na nag-aasaran at nagpapaluan, pero hindi naman nagkakapikunan dahil sanay na raw sila sa isa't-isa.

Dumiretso na kami sa suite ni Tito David. Tawa kami ng tawa kanina, dahil si Alex lumabas kaagad. Bumalik din siya dahil maghahanda pa naman kami. Naabutan namin siyang nakanguso sa silid habang karga-karga si Umbag. Hinehele-hele niya na parang sanggol.

"Tara na?" Tanong ni Mama. Tumango naman si Tito Eugene kaya tumayo na si Mama. "Mauuna na kami ha? Magpagaling kayo." Tinapik niya ang balikat ni Tito Tonton.

"Oo naman," sagot ni Tito Morgan. Natawa agad kami nila Kuya Reiven. "Magpapagaling ako para sa 'yo, Bibi ko."

"Manahimik ka diyan!" Lalo kaming natawa dahil naasar si Mama. Nag-apir si Tita at Tito Morgan. "Ikaw pasimuno ka eh." Lumapit siya kay Tita at pinaghahampas.

"Ikaw bwiset ka?" Gumanti rin ang Tita ko. Naghampasan tuloy silang dalawa. Kawawa nga lang si Mama dahil talagang amasona 'to si Tita. "Ano ka ngayon? Pangit?" Si Mama kasi ang unang huminto sa paghampas. "Bibi ko, arouch oh." Lumapit siya kay Tito David at nagpaawa. "Nguso, ReiRei, arouch, sobrang arouch." Hinawakan naman ni Tito David ang tinuro ni Tita na masakit. Dinampian niya 'to ng halik. 

"Sus," umirap ang Mama ko. Nanginig pa siya, dahil kinilabutan sa nakita. "Bahala kayo uuwi na ako! Eugene tara na, bago pa ako makapatay ng kapatid dito."

Agad na nagbago ang expression ni Tita. "Ginagawa 'yan Tanda."

"Hantayin mo!" Naunang lumabas si Mama. Napapikit kaming lahat dahil ang lakas ng pagkakasara niya sa pinto.

"May regla ba ang Mama niyo?" Tanong sa amin ni Tito Morgan. Nagtawanan na naman kami.

"Ay naku mauuna na kami." Kinuha na ni Tito Eugene 'yung paper bag na nilalagyan ng niregalo ni Tita. "Oy salamat," sabi niya kina Tito. Nakangiting tumango sina Tito, kaya mukhang inabutan na nila si Tito Eugene.

"Walang kaso," ani Tito David. "Pinupulot ko na lang naman 'yon eh."

"Kapag binanatan ka ng Tatay mo sumbong mo sa amin," maangas siyang tinanguan ni Tito Morgan. "May mga bata kami rito. Right boys?" Baling niya kina Kuya Reiven.

"Oo naman yes!" Sabay-sabay nilang sagot. Paglabas namin kumakain sila, pagbalik namin kumakain pa rin.

"One call away Eugene," dagdag ni Tito Tonton. Parang napakalaking tao naman ng tinutukoy nila.

Tumayo si Tita at may kinuha sa bag niya. "Psst," inihagis niya kay Tito Eugene ang baril na lagi kong nakikita sa kaniya. Sa tuwing, hinihingi ni Mama ang bag niya. "Marunong ka pa naman gumamit niyan 'di ba?"

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon