🏰ALEX🏰
Sobrang saya ko, dahil dito matutulog ang Mamaw ko. Nando'n siya sa kuwarto ni Mother Uji. Nagkukuwentuhan yata sila ni MU. Magkasabay kaming naligo kanina kaya pinagpiyestahan ko ang b**bie niya. Hindi siya nakatanggi dahil ang sabi ko, hindi ko siya ifoforgive 'pag hindi niya 'yon pinalaruan sa akin. Nipagpalit niya na naman kasi ako kay Buknoy kanina eh. Sinubuan niya naman ako ng chicken nang mag-dinner kami pero hindi ko pa rin siya bati no'n. Pero nang maghilamos kami kanina, at payagan niya akong laruin ang b**bie niya, finorgive ko na siya. Pinagpractice-an ko lang naman 'yon dahil may laro raw kami bukas. Hindi ko alam kung sino. Hindi ko na rin inalam dahil paniguradong panalo naman kami.
B**bie yata ni Mamaw ang pinagpractice-an ko no?!
Hihihi...
Ang laki tapos ang soft pa!
Kasalukuyan kong kinakabit ang mga balloons ko sa bintana. Binawi ko na ang balloons na binigay ko, dahil inaway ako nila Buknoy kanina. Nipagtawanan nila ako ng malakas. 'Yung sobrang lakas at pinakamalakas sa buong mundo!
Nguso...
Hmmp...
"Ganda?" Narinig kong kumakatok ang Baby ko. Kinilig ako kasi wala lang. Gusto ko kang kiligin. Humarap ako sa salamin at ginulo ang buhok ko, para gumanda ako.
Lumapit ako sa pinto para pagbuksan siya. "Yes, Baby ko?"
Nagulat pa yata siya dahil sa sobrang ganda ko. "Anong nangyari sa 'yo?"
"Nagpaganda," kinindatan ko siya.
"Halika nga rito." Hinila niya ako palabas ng kuwarto. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya. "Ayan mas maganda ka kapag maayos ang buhok mo."
"Eh di wow," iniwas ko ang ulo ko sa kaniya. Sumandal ako sa pader at humalukipkip. "Bakit?" Mataray kong tanong. Akala siguro ng pangit na 'to okay na kami. Matapos niyang makipaglandian sa iba? Neknek niya!
"Doon tayo sa kuwarto ko." Nanlaki ang mata ko, dahil sa sinabi niya. Sa kuwarto? Didiligan niya na ba ako? Hindi pa ready ang keps ko. Loko pala 'tong pangit na 'to eh. "Nando'n din sila Tupe."
At nagtawag pa siya ng resbak ah?
"Para saan?" Pagalit kong tanong. Hinding-hindi niya ako maiisahan. Kahit gaano kabait ang lalaki, may b*yag pa rin 'yan.
"Magpaplano tayo," sagot niya.
"Ng?"
"Tungkol sa birthday ni Mother Uji. Sa linggo na 'yon, ang plano namin ng mga bata isusurprise natin siya."
"Bakit? Hindi ba matutuloy ang birthday niya kapag hindi natin siya sinurprise?" Tinaasan ko siya ng kilay. Natigilan siya dahil sa sinabi ko. "Tatanda siya kahit anong mangyari, kaya hindi na kailangan ng mga kaek-ekan na 'yon."
"Sige, kung ayaw mo kami na lang."
Parang nakonsensiya ako ng talikuran niya ako. Napahabol tuloy ang mayabang na si Nguso. "Hoy joke lang." Niyakap ko kaagad siya kahit nakatalikod siya. Dinikit ko ang b**bie ko para malambutan siya. "Sasama na ako," malambing kong sabi. Kinapa ko ang pandesal niya sa tiyan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21