Chapter 337: AKO

100 11 4
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nagtago kaagad ako sa gilid, dahil sabi ni ReiRei nandiyan na raw sila. Kasama ko si Eugene, at pinagtago ko rin siya sa gilid. Pigil-pigil ko ang ngiti ko habang pinakikiramdaman ang presensiya ng Nguso kong miss na miss ko na. Iniisip ko pa lang ang nakanguso niyang mukha nanggigigil na talaga ako. Umayos na ako ng tayo para hindi niya ako makita, dahil naririnig ko na ang boses niya.

"Hello lo yow!" Nakita kong pumasok na siya rito sa Vip room na inarkila ko. "Mamaw? Yoohoo? Mamaw ni Nguso? Dito na is me! Where na you?!" Naglakad siya palapit kay Eugene pero hindi niya rin nakita. "Wala sila here."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinuli ko na siya kaagad. Nacute-an na naman kasi ako sa kaniya. "Huli ka Nguso." Niyakap ko kaagad ang anak ko. Nagtitili siya sa sobrang gulat. Tinadtad ko siya ng kisses at hugs.

"Mamaw is that ikaw?" Lalo kong pinanggigilan ang Nguso ko. Nakatalikod kasi siya kaya hindi niya ako makita.

"Hi Mamaw," sabi ni ReiRei.

"Hi Tita," sabi nila Eric. Lumabas na rin si Eugene mula sa pinagtataguan niya.

Humarap sa akin si Nguso at kilig na kilig na naman. "Mamaw is this ikaw?" Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay. Bigla na lang niyang inilipat ang mga kamay mula sa pisngi ko papunta sa dibdib ko. "This is ikaw nga Mamaw!" Pinisil-pisil na naman niya ang dibdib ko na parang isang laruan.

Mukhang d*de talaga!

Queenama...

Ngali-ngali kong batukan ang Nguso ko, pero nakita ko kasing nag-eenjoy siya sa ginagawa niyang pambababastos sa akin kaya hinayaan ko na. Diyan siya masaya eh. Nakalawit pa ang dila na tila takam na takam.

Manyak na Nguso...

"Kuya ReiRei tignan mo oh," nilingon niya ang Kuya niya at pinakita kung paano salitang pinisil ang dibdib ko. "Ang laki 'di ba?" Tumawa lang ang Pugo ko.

"Tarantada," bulong ko. Hinayaan ko lang siyang gawin 'yan habang wala pa ang mga pagkain.

Sige lang...

Love me, 'til it hurts...

"Hello Tito Eugene," nakatawang binati ni Darylle si Eugene. Gano'n din ang ginawa ng anak ni Erning.

"Tama na," awat ko kay Nguso. Nakita ko na kasi ang mga tauhan na may dala-dalang panawid gutom. Sumimangot kaagad siya. "Masakit na Nguso. Gusto mo bang mahurt si Mamaw?"

"No no yow," nakababang sagot niya. Ngusong-nguso at lungkot na lungkot talaga.

"Stop na, mag-eeat na tayo." Hinila ko na ang upuan at inalalayan siyang umupo. "Kamusta ang game?" Nagkatinginan kami ni ReiRei at sabay na pinigil ang tawa. Ngumiti naman ang anak ni Erning, mukhang natimbrehan na rin.

"Loser Mamaw," nakangusong sagot niya. Mabilis niyang sinulyapan ang Kuya niyang tawa na ng tawa. Pinanindigan niya nga ang plano niyang akala niya ay hindi ko alam.

"Bakit loser?" Kunwaring tanong ko habang hinahaplos ang buhok niyang hindi aayos kung hindi pa suklayan ng Kuya niya. Kababaeng tao dudugyot-dugyot! Alam kong wala rin akong pakialam sa hitsura ko noon pero hindi naman ako ganiyan ka baruga sa katawan.

Oo nga pala...

Sanggol pa pala 'to kaya hindi pa marunong manuklay!

"Kasi Mamaw hindi na ako magaling." Nag-iyak-iyakan ang Nguso ko na akala mo kaiyak-iyak ang pangyayaring sinapit niya. "Hindi na ako ang best." Humarap siya sa akin at ngumuso ng husto. Kung hindi ko lang narinig ang sinabi niya kanina maniniwala talaga ako. "Loser kami ni Kuya ReiRei." Pati ang Kuya niya nginusu-ngusuan niya.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon