🏰LUKE🏰
Inayos ko na ang gamit ko dahil pababa na kami ng bus. Si Guione at Matthew ang kasama ko sa upuan. Kita na sa labas ang ibang mga bus dahil maliwanag naman na. Hinubad ko na ang jacket ko dahil pababa naman na kami. Tinupi ko 'yon ng maayos at inilagay sa bag ko. Nakatayo na kaming lahat at abala sa pag-aayos ng gamit. Palihim kong sinulyapan si Danica na tawa na naman ng tawa.
Bagay sa kaniya 'yung gupit...
Hindi ko alam kung napapansin din ba ng iba na parang may saltik talaga siya. 'Yung ugali niya pabago-bago at medyo mahirap i-handle. Kanina lang, panay ang harot niya kay Darylle tapos biglang umiyak. Kung maiksi ang pisi mo, talagang hindi kayo magkakasundo.
"Okay, pumila kaagad ha?" Paalala ni Coach Limer. Sinukbit ko na ang bag ko. Naunang lumabas ang mga coaches sunod ang Basketball girls at kami ang nagpahuli dahil nasa likod kami. Si Coach Reiven busy pa rin sa pagliligpit ng gamit niya naiwan bus.
Kumabog na naman ang dibdib ko ng makita ko si Danica. Hindi ko alam pero takot na takot akong dumating ang araw na 'to.
Ayaw kong makita siya ni Sean...
Kahit na ba sabihin mong alam na ni Sean ang tungkol sa kaniya, mahirap pa rin. Hindi ko hawak ang utak niya. Nagawa niya ngang agawin sa akin si Audrey eh, siya pa kaya? Eh hindi naman kami!
Hindi naman sa nambabakod pero ayaw kong mapalapit siya kay Sean. Hindi ko na kabisado ang ugali ni Sean dahil nagbago na talaga siya. Hindi na siya 'yung Sean na minahal naming lahat. Hindi na siya 'yung Sean na tinuring kong kapatid at kaibigan at the same time.
Hindi ko na siya kilala...
And ayaw ko na ring kilalanin...
"Hello," lumapit sa amin ang bagong president ng council. May dala-dala siyang mga tela na kulay itim at may nakasulat na KU sa gitna. Sa magkabilang gilid ay may mukha ng lobo. Tinignan ko ang ulo niya at doon ko lang nakita kung para saan 'yon.
Para siyang headband pero sa noo ilalagay...
"What's that?" Tanong ni Coach Limer.
"Baller po," sagot niya. Tumango naman si Coach at kumuha ng isang baller. "Sino po ang Captain ball?" Nagtaas kami ni Darylle ng kamay. "Pahelp na lang po magdistribute kasi meron pa po akong bibigyan."
"Okay," lumapit ako sa kaniya at kumuha ng baller. "Get one and pass." Sinuot ko na ang isa. "Ito rin?" Tanong ko. 'Yung telang itim ang tinutukoy ko.
"Oo," aniya. Inabot niya sa akin ang doseng tela.
"Ito pa, One." Inabot ko rin 'yon kay Guione. Sobrang ingay na sa paligid dahil naglalabasan na ang mga estudyante. Pinagmasdan ko kung paano nilalagay ang tela sa noo. Madali lang naman kasi para nga lang siyang headband. Sinuguro kong nasa harap ang pangalan ng school bago ko inilapat sa noo ko. "Paano ba 'to?" Naramdaman ko kasing pumilipit ang tela kaya feeling ko hindi maayos ang pagkakalagay non. "One tignan mo nga," sabi ko.
"Wait lang, hindi nga rin ako marunong eh." Kunot na kunot ang noo niya habang nilalagay 'yon. 'Yung iba naming kateam nagpatulong na sa mga babaeng players maglagay non.
"Ganito," lumapit sa akin 'yung president ng council. "Akin na," inilahad niya 'yung kamay niya. Wala sa sarili kong inabot ang parang turban na headband.
Nakita kong nakatingkayad siya kaya bumaba ako ng kaunti. "Okay na?" Nangangawit na kasi ako.
"Oo," inayos niya 'yung gilid dahil feeling ko tumagilid na naman 'yon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21