🏰GLYDEL🏰
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang Bibi ko. Masiyado na yata siyang nasisiyahan sa pagtulog, kaya nakalimutan na niya ako. Ayaw niya na rin siguro akong makita kaya ayaw na niyang magmulat. Hindi niya na siguro ako love.
"Insan..." Narinig ko ang boses ni Tonton. Nakita ko siyang nakaupo sa wheelchair at tulak-tulak ng nurse na lalaki.
"Bakit nandito ka?" Kumunot ang noo ko, dahil namumutla pa ang mukha niya. "Doon ka na, magpahinga ka na ro'n."
"Nagising na ba siya?"
"Malamang hindi pa, nando'n pa sa loob eh." Inayos muna ng nurse ang wheelchair bago lumayo sa amin. "Ayos na ba 'yan?"
"Ayos na," mayabang niyang sagot. "Bala lang naman 'yon eh."
"Bala lang pala eh, bakit napatumba ka?" Umirap ako dahil ang pangit niya na tuloy ngayon. "Wala ka pala eh, nasaan na ang yabang mo?" Mukha na siyang bangkay na hinukay dahil io-autopsy ulit.
"Nandoon sa pantalon ko," pabalang niyang sagot. Napapikit ako kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko. Pinigilan ko ang sarili kong sapukin siya, dahil napuruhan siya. "Pwede mo akong banatan," pinayagan niya ako. "Sige lang, habang nasa ospital tayo."
"'Wag na," napigilan ko naman kahit pinahintulutan niya pa ako. "Dagdag gastos pa," katuwiran ko.
"Bakit ikaw ba ang magbabayad?"
"May sinabi ba ako?"
"Wala," sagot niya.
"'Yon naman pala eh. Ang sabi ko lang, dagdag gastos. Wala akong sinabing babayaran ko, tungaw."
"Sige na, banatan mo na ako."
"Bukas na tinatamad ako." Naiinis na ako dahil masiyado siyang mapilit. Kapag pinagpatuloy niya pa 'yan baka masapak ko na nga siya talaga.
"Umiyak ka na naman no?"
Nawala na ang galit ko, dahil alam kong mas nag-aalala pa siya sa akin kaysa ro'n sa taong nasa loob. "Hindi ah," pagtanggi ko, kahit na obvious naman sa mata ko. Alam kong alam niyang nagsisinungaling ako.
"May balat ka ba sa p*wet?"
Tumalim ang mata ko kasabay ng pagtitiim ng bagang ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Tanong mo diyan sa aport mo 'pag nagising."
"Kung magigising," nilingon niya ang salamin.
"Siraulo ka ah," pinangiliran agad ako ng luha. Nakakasama ng loob ang ginagawa niya.
"'Wag tayong magpakaipokrito Glydel. Tao lang si David, may hangganan ang kaya niyang gawin. May limitasiyon ang sakit na kaya niyang tiisin." Napalunok ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Tama siya, hangga't nandiyan siya sa loob hindi siya ligtas. Anumang oras pwede siyang kunin sa akin. "Pero 'wag kang mag-alala, kaya niya 'yan. 'Yung makita ka ngang masaya sa iba natagalan niya eh, 'yan pa kaya?"
"May balat nga yata ako sa p*wet," natawa ako, dahil sa kamalasang taglay ko. Sobrang saya ko kasi lately kaya ito ang kapalit, sobrang sakit.
"Nagdasal ka na ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh kaya hindi pa nagigising Insan. Dasal-dasal din kasi 'pag may time."
"Wala akong time," napairap ako at nag-iwas ng tingin. Marahan ko ng tinatapik-tapik ang sahig. Pinag-iisipan ko ang sinabi ni Tonton sa akin.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21