Chapter 343: KU VS. CBeU 5 (SFD5)

89 11 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Gusto ko sanang samahan si Alex mag-CR kaso tinitiis ko siya. Minsan kasi, sagad na sa buto ang kakulitan niya. 'Yung tipong wala na talaga sa hulog. Sinamahan naman siya ni Cassey kaya hinayaan ko na lang muna. Babalik naman 'yon kaagad dahil nandoon si Cassey.

Itinuon ko ang atensiyon ko sa court, dahil magsisimula na ulit ang laro. Pito na lang ang lamang ng kalaban kaya mas nakakaexcite manood. Napapalakpak kami para palakasin ang loob nila. Alam ko ang pakiramdam ng ganiyan, at kahit beterano ka na, kakabahan at kakabahan ka pa rin kahit na ayaw mo.

Pumasok na sila sa court. Tinignan ko ang mga kalaban nila na galing sa substitution box, mukhang nagpalit na rin ng player, para maiwasan ang pag-impis ng abante nila. Napako ang tingin ko ro'n sa lalaking nakajersey number 14. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yung gangster na nakaaway namin sa labas ng Camp Bell.

Varsity nga raw pala 'yan!

Bakit ko nakalimutan?!

Yumuko kaagad ako nang mapansin kong lilingon siya rito sa gawi namin ni Sydney. Siniko ko ang beshiewap kong nakayuko na rin. "Anong ginagawa niyan dito?"

"Sorry," aniya at nagpeace sign. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Hindi ko inasahan na 'sorry' ang sasabihin niya. "Dapat kanina ko pa sinabi."

Nanlalaki ang mata ko nang lingunin ko siya. "Alam mong nandito 'yan?" Hindi siya sumagot at pumikit lang. Napapikit din ako at napailing. "Tara, hanapin natin 'yung dalawa." Naglakad kaagad ako para hanapin sina Alex. Hindi niya pwedeng makita si Alex at gano'n din si Alex sa kaniya. "Tara alis na tayo rito," tarantang sabi ko. Mabilis kong sinilip ang mga Taipan'g nandoon sa kabila. Nakapuntos naman sila kaya bumalik din dito sa court nila Luke.

"Ayoko," tanggi niya. "Dito lang ako." Dali-dali siyang bumalik doon sa inuupuan niya kanina.

"Naku po..." Nasapo ko ang noo ko sa sobrang kaba. Aaminin ko, maski ako natatakot na makita ang lalaking 'yon. Sa laki ba naman kasi ng mundo, bakit dito pa namin sila makikita?

Napatingin kaagad ako ro'n sa player na gangster. Nakikipagbalyahan siya kay Matthew at nakipagtapikan ng bola. Aksidente niyang natapik ang bola kaya nagkaagawan na. Sa sobrang dami ng umagaw, natapik ng malakas ang bola. Tumalbog 'yon palabas, papunta sa gawi ni Alex. Mabuti na lang malakas talaga ang pakiramdam niya kaya nakayuko siya kaagad. Nanlaki ang mata ko nang makita kong hinahabol pa rin ng gangster 'yung bola. Kitang-kita ko kung paano siya nagbaba at humawak sa bandang tuhod ng pinsan kong hilaw.

This is not good...

This is not good!

Hindi namin naintindihan ang sinabi niya pero nagsalita talaga siya dahil nakatawa siya tapos gumagalaw ang bibig. Panay ang hampas sa akin ni Cassey bago ako tinulak. Hindi pa man ako nakakalapit ay may nangyari ng hindi maganda.

Nakasapok na...

Lintian talaga...

"Alex," saway ko. Nanakbo kaagad kami papunta sa kanila. Ito naman kasing epal na 'to, imbes na lumayo nagpapalo pa talaga.

"Bwiset ka! Bwiset ka!" Matapos siyang sapukin ay pinaghahampas siya ni Alex. "Mamatay ka ng h*yop ka! Ang pangit mo!" Rinig na rinig ko ang lagutok ng hampas niya sa lalaki, pero parang wala lang sa kaniya 'yon dahil tumatawa pa.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon