🏰DARYLLE🏰
Bumaba na kami para sa flag raising. Kailangan naming makiisa rito kahit varsity pa kami. Katulad ng inaasahan, ang dami na ngang tao ngayon. 'Yung tipong 'pag nadikit mukha niyo sa iba magkakapalit-palit na sa sobrang dami. Nakabukod ang pila naming mga varsity. Katabi namin ang basketball boys na nakasuot na ng jacket at jogging pants dahil sila ang unang maglalaro para sa mga lalaki.
Kami naman ay abala sa pagtitirintas ng buhok, bago magflag raising. Kami ni Sydney ang namumuno dahil sanay kami sa mga ganiyang ipitan. 'Yung talagang sasakit anit mo sa sobrang dikit. Animan ang ginagawa namin dati pero apatan lang ang ginawa namin ngayon para mabilis. Kaming dalawa ang unang nag-ipitan bago ang iba. Ang ibang Assistant Coaches ay nag-iipit na rin. Dalawa na ang naiipitan ni Sydney, si Yiren at Loona. Medyo mabilis kasi ang kamay niya pagdating sa ganiyan. Ako naman, si Ate Jess pa lang, kasi 'yung kay Ate Yngrid kalahati pa lang. Mukha tuloy siyang manok na may palong.
Si Alex sana ang una kong iipitan kaso ang tagal naman. Tapos nang makarating tinanong ba naman ako kung magpapakasal ba kami ni Eric.
Parang t*nga...
Ano namang gagawin ko kay Eric?!
Gagawing tagaluto?!
Nag-aassemble pa ang lahat kaya hindi pa makapagsimula. Sobrang dami kasi talagang tao ngayon. Marami rin namang tao kahapon pero iba kasi ngayon. Kahapon mga nakaupo lang, kaya medyo nacocontrol pa. Pero ngayon talagang magugulo na, dahil hindi na pinakikinggan ang mga adviser sa sobrang saya nila. May nakita rin akong sandamukal na booth sa palibot na parang mini peryahan.
Perya wooh!
Sasama ko si Alex mamaya...
Nag-gala kasi kami nila Ate Jessica kanina. Ang ganda rin ng building namin na dinesenyohan ng mga flag na ginawa ng mga member ng Sports Club. Bawat building ay may nakasabit na flag kaya maa-identify mo naman kaagad kung kanino ang mga building na 'yon. Ang mga building ay para sa mga varsity players lang. Hindi pwedeng tumambay o pumasok ang ordinaryong students lang, unless meron silang pass na gaya ng kay Cassey. Bibigyan din yata kami ng gano'n, pero hindi pa sure. Sabi ni Cassey, okay daw kumuha ng gano'n para libre sa lahat ng game.
Saan ka pa? Mag-outreach ka na!
Sa kamalas-malasan, dito pa talaga kami sa mainit na part itinapat. Nag-adjust kasi kami sa kabila dahil punong-puno na talaga rito sa paligid.
"Yiren, sino nag-ipit sa 'yo?" Kahit na maingay na ay nangingibabaw pa rin ang boses ni JC. Nasa likod ko si Alex, tapos si Sydney and sila Yiren na.
"Syd," sagot ni Yiren.
"S-S-S-Sydney, ipitan mo ako," ani JC. Lumingon ako kaya nakita kong mahaba nga ang buhok ni JC. Karamihan sa boys ay mga bagong tabas.
"Saan sa leeg?" Ani Sydney sabay tawa. Sinabayan din siya nila Yiren at Alex.
Sinamaan siya ng tingin ni JC, kaya nagpeace sign siya. "Ay bad? Kung ako si Yixing? Naturn off na ako niyan. Hindi ko na crush 'yan."
Natawa ako dahil alam kong kinakabahan na 'yan si Sydney. Takot lang niyan na ma-uncrushback siya. "Ako na lang," sabi ko. Naalala ko kasi bigla 'yung sinabi ni Syd na akala yata ni Ace si JC 'yung gusto niya. Mahirap na, baka magkayarian na naman. Kawawa naman ang beshiewap kong hindi na nakapanligaw.
"Thank you," sabi ni JC. Tinanguan ko lang siya bago muling humarap sa harap. "Darylle si Jason din daw mahaba ang buhok." Napangiwi ako pero hindi na ako umimik dahil inaasar na naman kami.
"Hoy mahaba raw buhok ni Vasquez," tinulak ako ng pinsan kong hilaw. Mukhang nasa matinong pag-iisip ang bruha. Dapat lang dahil may laro kami. Baka mamaya magwala-wala siya roon sa court kapag hindi na shoot ang bola. Nako talagang tatakbuhan ko siya kapag ginawa niya 'yon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21